Final Possession

2.3K 87 16
                                    

(Several Years Later)

Sapphire

Matapos ang dalawang oras na meditation ay tumayo na ako.

"Ang dali mo namang natapos ngayon, Sapphire," reklamo ni Katus Constantine at tumayo na rin.

"Nagugutom na kasi ako." Napaarko lang ang kilay niya. Ang totoo ay bigla na lang kasi akong nabagot. Mood swing.

"Papahirapan mo na naman si Clyde sa paghanap ng kakaibang pagkain," komento ni Tania at nag-ayos na rin.

"Kasalan ko ba kung bakit binuntis niya na naman ako?" Napatawa lang silang dalawa.

Through the years, we become best of friends. Maybe because, the three of us are the most powerful magicians alive. Palagi na rin kasi kaming magkasama dahil tulong-tulong naming binubuo ang bagong henerasyon ng mga taggagamit ng mahika.

Si Katus ay nagbagong-buhay na. Nahirapan man kami na tanggapin siya noong una, ay nakita namin ang kanyang sensiridad sa bandang huli. No matter what he did in the past, we learned to accept the fact that even him deserves a second chance. Sabi sa akin ni Tania, si Avera raw ang rason kung bakit tumino ang isip ni Katus. May past pala silang dalawa. Avera promised him that she will be reborn, and when that time comes, she wants to meet Katus again. And in that time, they will continue their love story. Iyan ang hinihintay ni Katus nitong mga nagdaang taon.

Si Tania naman ay abala sa makabagong mahika na inilulunsad niya. Madalas nga kaming magkasagutan dahil ang mahikang focus namin ni Katus ay Ancient at Premordial. Hindi naman kasi tamang Modern Magic lang ang matutunan nila, dapat balanse.

"Basta tandaan mo ang bilin ko sa'yo. Katulad din noong una mong pagbubuntis ang gawin mo. Alam naman nating maliit lang ang tyansang mabuhay ng pinaghalong Magi at bampira," paalala ni Katus kaya napatango ako.

Totoo ang sinabi niya. At nanggaling iyon mismo sa kauna-unahang naging bunga ng dalawang lahi. Siguro ang isa pang pagkakatulad naming tatlo ay kapwa kami may kinalaman sa bagay na ito. Si Katus ay bunga ng salamangkira at bampira. Kami naman ni Tania ay parehong nagluluwal ng katulad niya.

"Kumusta ka naman, Tania? Hindi mo pa ba susundan si Celistine?" tanong ko. Siya ang kaisa-isang anak nila ni Caleb. Medyo malaki na kasi siya for an eight year old child.

"Hindi ko pa kaya. Natatakot kasi ako na baka... malaglagan naman ako." I just give her an apologitic smile.

I feel sad for her. Dalawang beses na siyang nakunan noon, kaya naman ay hindi na niya kayang makunan ulit. Alam kong sisisihin niya nang husto ang saarili niya, na hindi naman dapat. That's the fear she lives with.

"Sige na, Sapphire, aalis na kami. Magkita na lang tayo mamaya sa party." Sabay na silang naglaho sa harapan ko.

Bumaba na ako sa temple na ipinatayo ko sa tuktok ng bundok. Pumunta ako sa magarbong hahay namin na nasa paanan lang ng bundok. Dito namin naisipang manirahan sa East Tigris, ang lupain ng mga Sapphyrius. Muli naming binuhay ang buong teritoryo nito at sa katunayan nga ay marami na ang naninirahan dito.

"Saph, handa na ba ang susuotin mo mamaya sa birthday ni Vinryle?" tanong ni Clyde habang nasa bisig niya ang natutulog na si Clayden.

Clayden is our first born. He just turned three years old, but as expected with vampire genes, his growth is fast. Diretso na kung magsalita siya at napakabibo na sa takbuhan.

"Handa na."

"That's nice." Nilapitan niya ako at napaluhod siya. Hinalikan niya ang tiyan ko na nagsisimula nang magkaroon ng umbok. With all honesty, masyadong masipag si Clyde kaya nasundan namin agad si Clayden.

Chosen To BeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu