Possession 10

1.1K 74 3
                                    

Third Person

Tumayo si Astan Fercilu sa kanyang trono nang pumasok ang isang duguang tauhan. Isang tauhan ni Lyka Cresentus na nakaligtas.

"Speak," utos niya.

"L-lord A-astan, our Alpha... died. Pinatay siya ng kalaban. Wala na si Alpha Lyka." Napasinghap ang ibang naroroon. Hindi sila makapaniwala sa sinapit ni Lyka Cresentus.

Isa siyang Lycan, at ang uri niya ay natural na mas malakas dahil isa ito sa mga origin race.

Napahalakhak lang si Astan. "Serves her right. She's so full of arrogance. Hindi makapaghintay, kaya nauna na sa hantungan ng kamatayan. It's not my fault why she was imbecile."

Biglang umalulong ang tauhan. Hindi niya matanggap ang mga salita ni Astan. Patay na ang kaniyang pinagsisilbihan at niyuyurakan pa ang pagkamatay nito.  He shifted into his lycan form. Without hesitations, he attacked Astan.

Pero bago pa siya tuluyang makalapit ay napatigil siya sa ere. Nanginig ang mala-halimaw nitong katawan. Ilang sandali lang ay may lumabas na nagliliwanag na usok sa kanyang bibig, ang kanyang kaluluwa. Hinigop ito ni Astan. Inubos at walang tinira.

Nalaglag sa sahig ang buto't balat na katawan ng lycan bago ito tuluyang naging buhangin.

"What a great meal. Lycans' souls are indeed superb." Tinignan niya ang mga naroroon na mababakasan ng takot. "Hindi pa tayo maaaring lumusob dahil hindi ko pa tuluyang nakukuha ang sarili kong kaluluwa. But if you want to die like the impatient Lyka Cresentus, then I will not stop you."

Sapphire

Napalingon ako sa pinto ng silid nang marahan itong bumukas. Unang pumasok si Clyde, kasunod si Clysha. Mukhang tapos na ang kanilang pagpupulong kasama si Tania White, ang Metier. Hindi na ako nag-abalang dumalo pa dahil sasabihin naman ito sa akin ni Clyde mamaya tulad ng sabi niya. I just had a rest.

"This thing is frustrating the hell out of me." Pagod na sumalampak sa sofa si Clysha. "Why can't I just use my power in my will? Like, it's my power!"

"Stop being a spoiled brat, baby," sambit ni Alpha Austin na biglang pumasok. May dala itong damit. "Clean yourself so we can sleep already."

"Dito kayo matutulog?" gulat na tanong ni Clyde.

"Yes, got any prob with that?" balik na tanong ni Clysha.

"The castle has many, many rooms. Why bother staying here?"

Alpha Austin 'tsked'. "You were not listening earlier. Axel clearly grouped the four of us."

"Is that so?" Napakamot si Clyde sa kanyang batok. Tignan mo 'to, mukhang hindi pa nakinig sa pagpupulong.

"Nasaan ba ang diwa mo kanina?" singhal ni Clysha at umirap pa. "As if naman talaga kagustuhan kong maki-share ng kwarto. Marami kaming ginagawa ni Austin tuwing gabi." Biglang napatikhim si Austin at namula dahil sa makahulugang pahayag ng kanyang Luna.

Napatikhim na rin ako upang malaman naman nila na nandito rin ako. Mukha kasi akong invisible sa paningin nila.

"I don't think Clyde can brief me with the conference earlier," I said. "Will you do that instead, Clysha?"

"Of course, Saph. Malakas ka sa'kin, remember?" She winks at me. "Where should we start? Hmmm. Maybe kay Cassiopeia."

"What about her?"

"She's dead."

"What?!" Nabitawan ko ang aking hawak na punyal. "Tama ba ang narinig ko? Huwag kang magbiro nang ganyan!"

Chosen To BeWhere stories live. Discover now