Tinignan ko siya ng seryoso habang sumisipsip ng milktea sa traw.

"Galit kapa din ba kay Nicolas?"


"May pinagsamahan din kami para tumagal ng limang taon ang galit ko"


Huminga ako ng malalim sa hindi alam na dahilan at nilalaro ng pagkain gamit ang tinidor.

"Ayos ka lang? may nasabi ba akong masama?"


"Wala naman, nanghihinayang pa din ako sa nangyari"


"Ako nga din pero hayaan mo ako mismo ang hihingi ng tawad sa kanya pag magkita kami para sayo" May dugtong na ngiti niyang banggit. Ngumiti din ako dito, ganoon nga talaga ako kamahal ni Kaiden dahil kaya niyang lunukin ang pride niya para sa akin.














Yusuf's POV


"Bro!"

Lumingon ako sa pagdating ni Lawrence bitbit ang bag na nilapag sa maliit na pabilog na mesa at umupo sa harapan ko, kasalukuyan kami ngayong naka upo sa mga naka linyang mga benches sa gilid ng malawak ma garden ng University, maganda dito tumambay hindi dahil sa makahinga ka ng maluwag dahil malayo ito sa mga building at ito ang nagdudugtong sa mga faculties.

"Kumusta kayo ni Athena?" Dagdag niyang tanong.


Umiling lang ako na wala pa din. It's been a one day and one night ni walang padamdam.

"Bakit ba kasi napaka selosa niya eh hindi ka pa naman niya sinagot"


"Iwan ko bro, ito nga eh sinusubukan kong tawagan pero pinatay ata ang telepono" Pabuntong hininga kong sagot habang hawak ang telepono.


"Nakuw, mga babaeng iyan?" Aniya saka binuksan ang bag at may inilabas na chichirya at binuksan ito saka nilapag sa gitna na ito pa ang unang kumuha para kumain "Isa din yang mga babaeng gusto sila lahat masusunod, na kahit pagtae mo dapat alam nila!"


Binaling ko nalang ang tingin sa ibang direksyon. Ayoko ko din naman sumang-ayon kay Lawrence, kaunti pa lang ang nakikila ko kay Athena inaamin ko naman pero ayoko tumalon agad sa katapusan ng storya.

"Tama na pag-iisip, kain mo nalang yan"


"Samahan mo kaya ako!" Bigla kong bigkas.


"Saan?" Walang ediyang tanong nito.


"Sa classroom ni Athena, hihingi ako ng tawad?" Labas lahat na ngipin na ngiti ang binigay ko pagkatapos bigkasin.


"Are you insane Yusuf? hello wala kang kasalanan?" Parang humahamon ng debate niyang wika pero hindi kona lamamg pinatulan at hinatak nalang.


"Sandali!!!! ang chichirya, sayang!!!" sigaw niya at pilit ito inaabot.


"Bulaga!!!!!!!!!!" Sabay talon ni Channel sa harapan namin ni Lawrence na para bang nanggugulat.


"Oh Chanel? mabuti naman at naalala mo pa kami?" Usal agad ni Lawrence dito at totoo naman mula ng sumali ito sa cheering squad ay hindi ito sumasama sa amin.


"Sorry naman mga pare ano eh kasi busy lang sa practice, alam mo na kailangan active tayo sa mga extra correcular na iyan!" Paliwanag pa nito.


"Extra correcular? kasama din ba ang pagpapansin sa mga poging basketbalista dyaan?"


"Hoyyyy Rentot!!!" Agad na bulyaw Chanel "Your mouth, I don't like it!" Patahimik nito dito na tinuturo pa ang labi ni Lawrence "Alright saan ang punta natin sasama ako!"


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon