"Bitawan mo si Kiera!" Sigaw niyaw niya at mabilis kong binunot ang espada sa tagiliran ko gamit ang isa kong kamay at inihagis ito sa ere.

Ibinaba ko saglit si Cana sa damuhan at hinarap si Hendrix, at dahil sa tulong ng liwanag ng buwan ay kitang-kita ko ang ekpresyon na ginagawa niya ngayon.

Sobrang lungkot ng mukha niya na may halong galit, tila ba nais niyang patayin ako gamit ang sarili niyang mga kamay at hinihiling na sana maglaho na ko ng tuluyan sa kaniyang harapan.

Pero hindi niya alam mas kinamumuhian ko siya at ang babaeng nanakit kay Cana, tumingin ako sa direksyon ni Keisha na hanggang ngayon ay walang malay at sa kinaroroonan naman ni Achlys ay pansin kong nakakatayo na siya.

Muli akong bumalik ng tingin sa lalaking nasa harapan ko at tinanong siya ng direkta dahil ayoko na pag-intayin pa si Cana.

"Sabihin mo sa akin kung gusto mo nang mamatay rito at gagawin ko Hendrix," tanong ko sa kaniya at napaluhod na lang siya sa aking harapan.

"Mabuti pa nga siguro para magkasama na kaming dalawa sa kabilang buhay," sagot niya at nang sabihin niya iyon sa harapan ko ay halos mayukom ko ang kamao ko at hindi na magawang ihakbang pa ang aking mga paa papalapit sa kaniya.

Tumalikod ako kay Hendrix nang marinig ko ang paghikbi niya at ang paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan ni Kiera.

Nanlalambot ako, ayokong marinig ang paghihinagpis niya sa babaeng mahal ko, ayokong marinig ang pagtawag niya kay Cana na akala mo ay patay na ito.

Ayokong marinig ang iyak niya o ano pa mang sasabihin niya, muli ko na lang hinawakan at binuhat ang babaeng mahal ko at mabilis na umalis sa kinaroronan nila.

"Kailangan kitang madala sa Majiro Kingdom para agad kong mapagamot ang mga sugat mo, saglit lang wag ka mag-alala magiging ayos din ang lahat," bulong ko sa kaniya habang patuloy siyang buhat-buhat at halos kainin na ko ng takot ko dahil sa tuwing mararamdaman ko ang pumalamig niyang katawan ay kinakain na ko ng kaba.

Kaba na pakiramdam ko ay ikasisira na ng isipan at katinuan ko.

"Saglit na lang Cana, parang awa mo na," bulong ko sa kaniya kahit alam kong anim na oras pa ang kailangan ko lakbayin dahil sa layo ng pupuntahan namin.

"Wag mo kong iiwan ah, dito ka lang saglit lang," muli kong bulong sa kaniya habang nanginginig na ang mga kamay at braso ko dahil ramdam na ramdam ko na ang katotohanan na isang malamig na bangkay na lang ang hawak ko.

"Viggo!" Rinig kong boses ni Achlys at nakita ko siyang lumilipad sa kinaroronan ko.

"Tama na, iuwi na na tin siya sa border," sagot niya at ramdam kong bibigay na ang tuhod ko at ilang minuto nga lang ay napaluhod na ko sa lupa at niyakap nang mahigpit si Cana sa bisig ko.

Malamig, hindi humihinga at hindi na binabangit ang pangalan ko.

Halos madurog ang puso ko at para akong pinapatay sa kada minuto na nakikita ko siyang ganito.

Mabuti pang mamatay na lang din ako kasama niya o hindi kaya maputol ang kontrata namin dalawa ngunit wala, hindi ko na ramdaman na naputol na ang kontrata dahil sa hindi na ko ganap na vampire slave.

Normal na kong bampira na kayang mabuhay ng wala siya, pero sobrang sakit. Sobrang sakit dahil kahit makawala ako sa kadenang nagdudugtong sa aming dalawa ay pakiramdam ko mas mamamatay ako pag wala siya sa tabi ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now