"My lady, ako po ang bantay niyo ngayon araw," sagot ng lalaki sa akin at napatingala naman ako sa kaniya, siya iyong lalaking nagbigay sa akin ng pagkain sa selda.

"Salamat," maikli kong sagot sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin, mukhang madali siyang kausapin kaya naman kinuha ko na itong pagkakataon at sinubukan siyang tanungin.

"Kamusta si Keisha?" Tanong ko sa kaniya at bahagyang tumingin sa katulong na ngayon ay wala na sa silid.

"Umalis po si lady Keisha ngayon, aag kayo mag-alala hindi niya kayo makakanti hanggat ako ang bantay niyo," sagot niya at ngumiti naman ako sa kaniya.

"Kung ganun maaari ba kong lumabas at magpaaraw man lang? Gusto ko huminga at makalanghap ng preskong hangin," tanong ko sa kaniya at agad naman siyang tumango sa harapan ko.

"Ayos lang po, basta hindi kayo mawawala sa paningin ko," sagot niya at tumango naman ako.

Sinamahan niya ko sa lumang hardin na kahit isang rosas ay wala kang makikita, tanging mga ligaw na damo at bulakalak lang ang narito.

Habang naglalakad ako sa labas ay todo bantay sa akin ang lalaking ito at ako naman ay patagong inaaral ang lugar para sa aking pagtakas.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin.

"Ed po my lady," sagot niya at tumango ako.

"Pag naging empress ako, hayaan mo bibigyan kita ng posisyon bilang baron kaya maging mabait ka sa akin ah," biro ko sa kaniya at agad naman sumilay sa mukha niya ang pagkagalak at tuwa sa pinangako ko.

Na ulit ang araw, halos tatlong araw din ako naging tahimik at nakisama sa kanila, hindi na ko makanti ni Keisha at pansin kong hindi rin siya bumabalik sa kastilyo, tila ba may pinupuntahan siya sa bayan ng Goldton.

Madalang ko siyang makita at tuwing magkakasalubong naman kami ay panay ang ngiti niya sa harapan ko na sobra kong kinatatakot.

Parang may nagawa siyang bagay na ikakalugmok ko, kaya naman sobrang kabado ako dahil nag aalala akong mabuti sa duchess at duke tapos hindi pa bumabalik si Hendrix tatlong araw na.

Wala din akong balita kay Viggo, hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya at ang kinatatakot ko ay baka nabalik na siya sa pagkakahimbing dahil sa layo namin sa isa't isa. Alam kong iyon ang mangyayari sa kaniya kung maputol ang kontrata at kung malayo siya sa master niya.

Natatakot tuloy ako na baka maging empress na nga ako ni Hendrix at hindi na muli siyang makita pa.

Pero sa paglilibot ko rito ng tatlong araw at sa pagiging maluwag ng bantay iong si Ed ay may nakuha akong mga impormasyon sa maaari kong labasan mula rito.

May isang lagusan sa likod ng kastilyo kung saan kasya ang isang mapayat at maliit na katawan, hindi ko pa nasusubukan kung kakasya ba ako rito at hinaharangan lang ito ng malaking bato na maaari ko naman mabuhat.

Napansin ko iyon nung naglalakad ako sa likod na hardin, halatang luma na ang kastilyo at may malalaking bitak ito sa mga pader kaya naman mabilis kong nahanap ang butas na iyon.

Mamayang gabi, susubukan kong tumakas dahil sa pagkakaalam ko ay madalas matulog si Ed at hayaan ako dahil sa pagkakaalam niya ay mahina pa ang pangangatawan ko at iniintay ko lang si Hendrix dumating.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now