Agad akong pumasok sa loob ng bahay at nakita ang mga kagamitan sa pagkain na hindi pa nahuhugasan, naglakad ako papasok at nakita ang dalawang kwarto na magkatapat.

Isa rito ay may kandado sa labas ng pinto at dito ko amoy na amoy ang dugo ni Cana, hinila ko ang hawakan at binuksan ang pinto saka tumambad sa 'kin ang isang trey ng pagkain na walang laman, malamig na semente at kakaunting dayami sa loob at nang hanapin ko ang pinagmumulan ng dugo na iyon ay nakita ko ang likuran ng pinto kung saan nakasulat ang dalawang letra na G at E.

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang tuyong dugo na nakaukit sa pinto, may arrow pa itong kasama na nakaturonpa timog at biglang pumintig nang mabilis ang dibdib ko nang maisip ko ang nais niyang sabihin.

"Godlton Empire," bulong ko sa sarili ko at mabilis nakarinig nang malakas na pagbagsak sa harap na bahay at alam kong si Achlys iyon dahil sa malakas na presensyang kaniyang ibinibigay.

"Achlys dito!" Tawag ko sa kaniya at mabilis naman siyang lumapit sa kinaroroonan ko saka ko itinuro sa kaniya ang dugo sa likod ng pintuan.

Nanginginig ang kamay ko habang tinuturo ko ang dugo ni Cana rito at agad niyang tinapik ang balikat ko na nagpabalik sa akin sa ulirat.

"Kumalma ka nga, kitang-kita sa mukha mo na nais mong pumatay ng tao," sabi kiya at hinawakan ang tuyong dugo ni Cana sa pinto.

"Magbabayad kung sino mang ang gumawa ninto kay Cana, talagang na gawa niyang sugatan ang sarili niya dahil desperado na siyang magbigay ng pahiwatig kung na saan siya dadalhin ng mga hayop na iyon," sagot ko sa kaniya at tumango siya sa 'kin at ramdam ko rin sa aura na nilalabas ni Achlys ang halit niya.

"Hindi ko palalagpasin ang bagay na 'to, tara dalian mo at dapat bago sumapit ang liwanag ay makapunta tayo sa Goldton Empire," saad niya at tumango naman ako.

Aabutin ng buon gn tatlong araw ang paglalakbay papunta sa lugar na iyon ngunit kung sasagarin ko ang sarili ko ay maaari akong makarating doon sa loob ng anim na oras.

"Kakayanin mo ba? Gusto mo bang ako na?" Tanong ni Achlys habang nasa himpapawid at malapit lamang sa pwesto ko para aking marinig.

"Oo kakayanin ko kahit masunog pa ko," sagot ko at bigla siyang napahinto.

"Teka," saad niya at kumunot ang noo ko sa inis dahil sinasayang niya ang bawat minuto ko sa paghinto na ginagawa niya ngayon.

"Ano!? Dalian mo!" Sigaw ko sa kaniya at hahakbang na sana para muling magtungo sa timog pero napahawak siya sa kaniyang baba at tumingin sa direksyon ko.

"Alam ba ni Miranda na bampira ka?" Tanong niya sa akin ng bagay na wala naman silbi at inis akong tumango sa kaniya.

"Oo! Dalian mo na!" Inis kong utos sa kaniya at mabilis na tumakbo papuntang timog pero bigla niya kong hinarang na dahilan ng muntikan ko nang pagkakasubsob.

"Kung ganoon, alam na ni Keisha ang kahinaan mo at talagang dinala pa niya si Kiera sa Goldton Empire dahil akam niyang maikli ang gabi roon at mahaba ang umaga, hindi ba't limang oras lang ang gabi sa lugar na iyon?" Tanong niya at kumunot ang noo ko.

"Oh ano naman kung may binabalak sila sa akin? Ang importante rito ay maligtas na tin si Cana kahit na buhay ko pa ang kapalit ay ayos lang," galit kong sagot sa kaniya at nakita ko ang pagkunot ng noo niya sa harapan ko saka ako tinignan ng seryoso.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now