♕CHAPTER 52♕

Magsimula sa umpisa
                                    

Lahat iyon ay mabilis na nabaliktad ni Keisha sa pamamagitan ng plano niya.

"Maaaring sumama ka muna sa 'min lady Kiera," sagot ng isang knight at hinila nila ako pababa ng main mansion habang nakatingin lahat ng mga katulong sa loob ng mansion sa akin.

"Anong nangyayari? Bakit kinakaladkad niyo ang anak ko!" Hiyaw at pigil ng Duchess at agad niyang pinigilan ang pagdakip ng mga kawal sa 'kin.

"Your grace, natagpuan po ang Duke sa osipina niya na walang malay kasama ang inyong anak na si lady Kiera, lason ang nakikita naming dahilan sa pagbagsak ng Duke," paliwanag ng kawal at napatakip ng kaniyang bibig ang duchess at tumingin sa akin nang puno ng katanungan.

"Hi-hindi magagawa ng anak ko iyan," sagot niya at napayuko na lang ako, hindi ko kayang tignan ang duchess na sobrang nawawasak sa mga nalalaman niyang balita.

"Nakita po ni lady Keisha ang lahat," sagot ng kawal at halos mapaluhod ang duchess sa mga nalalaman niyang balita, buti na lang at agad siyang na agapayan ni Krista at pinakalma.

"Mother, puntahan mo muna ang Duke para sa 'kin," saad ko sa kaniya dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga palad ko dahil sa pag-aalala sa Duke.

"Wag ka mag-alala, malalaman ko kung sino ang gumawa ng bagay na ito," sagot ko sa kaniya at mangiyak-ngiyak siyang tumango sa akin at agad na nagtungo sa kwarto ng duke.

"Bitawan niyo ko!" Utos ko sa mga kawal at agad ko silang tinignan nang masama.

"Kusa akong sasama kaya wag niyo ko kaladkarin," sagot ko at natahimik naman sila at sinamahan akong bumaba papunta sa dungeon ng Romulus at kinulong nila ako sa isang selda at kinulong.

Napaupo ako sa malamig na simento at halos masuklay ang buhok ko sa problemang nangyayari sa 'kin ngayon.

"Tsk, hindi ko na isip na ipe-frame-up ako ni Kiesha sa ganitong paraan," bulong ko sa sarili ko at nakagat ang daliri ko sa hinlalaki at hindi maiwasan na kabahan sa pwede mangyari sa 'kin dito.

Ang pinaka malaking posisbilidad ay makulong ako rito habang buhay kung hindi magising ang duke sa pagkakalason, mabilis akong mababaliktad ni Keisha sa pamamagitan ng pag acting niya sa harap ng high society.

Bakit hindi ko na isip ang posibilidad na katulad ninto? Akala ko ayos na ang lahat dahil halos kalahating taon na ang nakakalipas nang malagpasan ko ang kamatayan ni Kiera.

Akala ko ayos na ang lahat at sasang-ayon na lahat sa mga plano ko ang takbo ng storya. Plinano ko maige ito para hindi malason ang Duchess dahil alam kong siya ang papatayin ni Keisha pero hindi ko inaasahan na pati ang duke ay pag-iisipan niya ng masama.

Sarili niyang ama nagawa niyang lasunin? Sinong matinong anak ang gagawa ninto sa sarili niyang ama?

Nahilamos ko ang mukha ko at hindi makapaniwala na lahat ng binubuo ko simula nung una hanggang ngayon ay mabilis na mawawala dahil sa isang pagkakamali.

Dapat talaga hindi ka nagiging kampante lalo na kung pakiramdam mo maayos at perpekto na ang lahat.

"Lady Keisha, masyadong marumi sa lugar na ito," rinig kong awat ng kawal at narinig ko ang pa inosenteng boses ng magaling kong kapatid at ang maingay niyang takong niya na lumalagutok sa tahimik na lugar na ito.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon