Chapter 2 Gangs of New York

Start from the beginning
                                    

Mag-isa lang akong naka-upo sa barstool at ineenjoy ang serenity ng pag-iisa ko. Hindi pa ako lasing at hindi naman ako usually nalalasing. May blonde na babaeng lumapit sa akin. Naka-red dress na may plunging neckline.

“Hey, are you alone?” tanong niya sa akin.

“Yeah.” Simple kong sagot.

Wala akong balak makipag-usap sa kahit sino dito sa bar. Body guard lang ang papel ko dito. Taga bantay sa panot na engineer. Hindi ako tinantanan nitong blonde na babae.

“So, what do you do?” tanong niya.

“I work.”

“Where do you work?”

“Somewhere in Manhattan.”

“What do you do?”

“I’m an engineer.”

“Oh, people who build buildings.”

Ilang segundong nanahimik.

“I’m still studying at the New York University.”

Hindi ko naman siya tinanong pero sinabi pa rin niya.

“Are you asian?” tanong niya ulit.

“Yeah.”

“Where you from?”

“Philippines.”

“Oh, I’ve never been there.”

Tumahimik ulit ng ilang segundo at wala pa rin siyang balak umalis at iwan akong mag-isa. Kaya naka-isip ako agad ng paraan para matantanan ako. Ito ang aking strategy to repel women.

“What’s your name?” tanong ko sa kanya.

“Rebecca. Yours?”

“Conrad.”

Base sa mukha niya, maganda at mukhang prom queen o kaya naman ay cheerleader. Hindi siya mukhang pala-aral. Sa NYU daw siya nag-aaral kaya considered naman siyang matalino since magandang school ang NYU.

Sana lang hindi siya interesado sa Science.

“So, Rebecca, what are you taking up?”

“Business.”

“Ah, that’s nice. I have a question.”

Naging interesado siya.

“Why do you think the earth orbits the sun?”

Nawala ang ningning sa kanyang mga mata.

“Uhm.. Gee, I’ve never been asked that question before here in a bar.” Nag-isip siyang mabuti. “The earth orbits around the sun because of gravity… yeah, something like that. I’m trying to remember my science class.”

“Why not the sun rotates around the earth instead?”

“Uhmm, because that’s how God wanted it.”

“Let’s talk about scientific theory here.”

“I’m sorry but are you my teacher? Why do we have to talk about that here?”

“Because that’s my favorite topic of conversation.”

Tumayo siya. “What a nerd!” at tuluyan na akong iniwan.

Ganun ganun na lang siya kung gumive up, yung iba ginogoogle pa yung tanong ko para lang makausap ako. Siya, inexcuse niya agad ang sarili niya.

At least hindi ako jerk.

Maya maya pa, biglang may kaguluhan na naganap sa dance floor. Si Mr. Fumble may karambol na lalaki sa gitna. Lumapit ako para matigilan ang rambol at ng hinawakan ko ang lalaking sumapak sa kanya, ako naman ang sinuntok.

Bakit ako nadamay dito? Syempre, nung sinuntok ako, kailangan kong rumesbak kaya nagkagulo. Lumapit ang bouncer ng club para awatin kami at dahil sa laki ng katawan ng mga bouncer, nakaya niya kaming ihagis palabas ng bar. Si Mr. Fumble na may bukol at black eye ay galit na galit sa nangyaring gulo.

“What happened?” tanong ko.

“Those dumb people started the fight. I wasn’t doing anything. Fuck those people. Fuck!”

Galit na galit at susuray suray na lumakad si Mr. Fumble sa sasakyan niya.

“What are you doing?” tanong ko ulit habang binubuksan niya ang kanyang kotse. “You can’t drive, you’re drunk!”

Hindi siya nagsalita, pumasok sa kotse, umalis at iniwan akong mag-isa. Putcha! Kung alam ko lang na iiwan ako nitong unggoy na toh, kanina pa sana ako umalis.

Pumara ako ng taxi. Nang makarating ako sa apartment, at akmang papasok, tumunog  ang cellphone ko.

“Hello?” sagot ko.

“Tomas! This is Will. I need you to get me here at the police station right away!”

Kung hindi ko siya boss, hindi ako pupunta sa police station para piyansahan siya. Matapos niya akong iwan? Pinagsabihan ko pa siyang wag magdrive pero hindi niya ako pinakinggan.

Sabay kaming lumabas ng police station dahil sa DUI (Driving Under an Influence) niya.

Pumara siya ng taxi at hindi man lang ako inintindi. Ni hindi nagthank you man lang sa akin. Siguro nahiya siya sa kabobohang ginawa niya.

Mr. Fumble, isang kagalang galang na engineer who needs to grow up.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now