Chapter 2 Gangs of New York

Start from the beginning
                                    

“Tomas! I’d been wanting you to try it out!”

Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. “Heeeeyyy!”

Sumabay na lang ako sa ihip ng hangin at nakipagtawanan sa kanya.

“Maybe later!” sabi niya at tumalikod at pumasok sa kanyang sariling opisina.

“What’s his problem?” tanong ni Ash.

“He wants me to come with him in a strip club. He hired me as his wingman.”

“That pervert!”

Dahil manyak ang aming boss at ako lang ang gusto niyang makasama sa kanyang mga lakad, lagi akong nagsisinungaling na may lakad ako kahit wala naman. Siya ang version ni Deo, mahilig sa mga bahay aliwan. Pero matindi ang mga bahay aliwan dito, hooker and strippers ang mga laman ng club na hindi mo sure kung hindi ka magkakasakit pagkatapos mong i-try.

Sumasabay din kasi sa uso itong si Mr. Fumble na kahit unti unti ng nawawala ang buhok niya, feeling niya teenager pa rin siya. Wala pa kasi siyang asawa. At sa lahat naman ng wingman, ako pa ang napagtripan niya.

Alas singko ng hapon, lumabas ng kanyang opisina si Mr. Fumble at lumapit sa akin habang shina-shut down ko ang aking computer.

“Tomas, I need you today. We need to go to a site. Is it okay? I mean, we need to work late.”

“Of course, it’s okay.” Sagot ko.

“Then, gather your things, we need to go now.”

Kinuha ko ang gamit ko at pati na rin ang coat ko at umalis kami ni Mr. Fumble. Sumakay kami sa kanyang mamahaling Bentley na kotse. Tahimik at malalim ang iniisip ni Mr. Fumble. Samantalang excited naman ako dahil gusto kong makita ang building na ginagawa.

Pero, namangha ako dahil hindi naman sa construction site pinark ni Mr. Fumble ang kotse.

“We need to work here tonight.” Nakangiti niyang sinabi sa akin habang nagtatanggal ng seat belt.

Sa isang bar kami magtatrabaho at mukhang babae ang mga tatrabahuin namin. Nalinlang ako nitong kumag na toh. Akala ko naman magoovertime ako at may dagdag akong bayad. Tsk. Kung pwede ko lang kunyatan at pektusan at the same exact time ang shining shimmering bald head ng panot na toh, kanina ko pa ginawa. Wala akong choice kundi sumama.

Pumasok kami sa bar na sobrang lakas ng music, puno ng mga babaeng makikita mo na ang kaluluwa sa sobrang pag-appear ng cleavage.

Umupo kami sa bar stool at inorder na lang ako ni Mr. Fumble ng drinks na tuwang tuwa sa ginawa niya.

“This is the place were cool people hang-out, drinks are pouring, music is loud, and overflowing of cleavages from hot women.” Sabi niya.

“Mr. Fumble..” sabi ko.

“Shh.. don’t call me Mr. Fumble. We’re supposed to be cool here so call me Will.”

Ako ang gusto niyang maging wingman dahil kung magpupunta siya dito mag-isa, magmumukha lang siyang tanga dito at magiging wallflower dahil hindi naman siya papansinin ng mga nilalang dito. Bukod kasi sa matanda na siya, isip bata pa siya at ito ang bar ng mga ‘cool people’.

Nakarami na ng inom si Mr. Fumble dahil mabilis niyang tinungga ang inorder niyang martini. Paglingon ko, wala na siya sa kinauupuan niya at namalayan ko na lang na nandun na siya sa dancefloor, sumasayaw sa kanta ng LMFAO na may dancestep ng isang robot. Sa sobrang tigas ng katawan niya, mukha siyang robot na di susi. Buti na lang hindi niya ako niyaya sa dancefloor dahil nakakahiya siyang kasama.

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now