"Babalik agad ako, sasabihin ko sa heneral na hindi ako titira sa dormitoryo," saad niya at tumango naman ako saka kumaway sa kaniya.

"Wag kang aalis ng kastilyo ng walang kasama!" Paalala niya at patuloy na nakalingon sa 'kin kahit na umaandar na ang kabayo niya palayo sa 'kin.

"Oo na! Tumingin ka na sa daan!" Hiyaw at utos ko sa kaniya saka ako natawa dahil nakasimangot na naman siya at kumakaway sa 'kin habang papalayo siya.

Napailing na lang ako at tatawa-tawa na pumasok sa loob ng kastilyo saka bumalik sa trabaho ko bilang lady ng kastilyong ito.

"Nakaalis na siya? Totoo na 'to?" Tanong ni Achlys habang may hawak-hawak na plato at kakapasok lang sa loob ng opisina ko.

"Oo, napilit ko rin sa wakas," sagot ko at nilapag niya ang hawak niyang plato sa lamesa na nasa loob ng aking opisina at umupo sa kaharap nintong sofa.

"Akala mo naman talaga hindi siya uuwi mamaya," sagot ni Achlys kaya natawa ako.

"Ewan ko ba doon, dapat pag nagte-training ka bilang knight ay titira ka sa dormitoryo na inihanda ng royal palace pero siya itong makulit na gusto pa byumahe ng pagkalayo-layo para lang makauwi," sagot ko at napailing na lang si Achlys saka nilantakan ang mga pagkain sa harapan niya.

"Hindi mo siya masisisi, gusto niyang umuwi sa piling mo eh," sagot niya naman at hindi ko naman maiwasan mapatigil sa ginagawa ko at mapangiti.

"Pero maiba ako Kiera, gusto ko na pala umalis sa kastilyo mo," bigla niyang sabi na kinagulat ko at mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko sabay bitaw ng panulat na hawak ko.

"Ha? At saan ka naman pupunta?" Tanong ko sa kaniya dahil natatakot ako na baka may gawin si Achlys na kakaiba o hindi kaya maisipan niya na naman manakop ng mga lupain katulad ng dati niyang gawain.

"Wag ka mag-alala, natututo na ko matuwa sa mga mortal na katulad mo, salamat na rin sa 'yo," sagot niya at dahan-dahan akong bumalik sa pagkakaupo at napasalumbaba na lang sa harap niya.

"So iiwan mo na rin ako?" Tanong ko sa kaniya at natawa naman siya saka dumikwatro ng pagkakaupo at sumandal sa sofa.

"Anong iiwan? Ang lapit lang kaya ng lugar kung saan ako titira," sagot niya na kinataas ng kilay ko.

Kaya ba siya busy kakaalis nitong mga nakaraang araw ay dahil naghahanap siya ng lugar kung saan siya mamalagi.

"Bakit ba ayaw mo na ba rito sa border?" Tanong ko at hindi naman maitatanggi na nasanay na rin ako na may isang dragon na palaging gutom sa kastilyo ko.

"Hmm... gusto ko magkaroon ng sarili kong kapangyarihan sa panahon ng mga mortal, gusto ko bumuo ng sarili kong empire," sagot niya na kinanganga ko.

"Ha? At pano mo naman gagawin iyon aber?" Tanong ko at tinuro niya naman ako.

"Syempre sa tulong mo, pansin ko kasing kayamana at pera ang basihan ng buhay ngayon, kaya kailangan ko muna payamanin ang lupain ko saka ako magtatayo ng mga palasyo," sagot niya at halos mahilot ko ang noo ko sa mga ideya na naiisip niya.

"Hoy, kahit may minahan ako hindi ko naman kayang ibigay ang ganung kalaking halaga, isa pa para makabuo ka ng sarili mong empire ay dapat may mga mamamayan kang titira doon at magpapalago ng lupain mo," sagot ko sa kaniya at napakamot naman siya ng ulo at tumingin ng inosente sa 'kin.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now