"Mananakop ka ng ibang empire?" Tanong ni Cana sa kaniya at tumalikod na siya.

"Wag ka mag-alala hindi ako mananakip ng ano mang sibilyan, maghahanap lang ako ng malawak na lupain, ayoko na sa lugar na 'to masyadong maliit," sagot niya at dire-diretsyo nang naglakad papasok ng kastilyo at napailing na lang si Cana dahil hindi niya alam ang gagawin niya kay Achlys.

"Anong balak mong gawin?" Tanong ko sa kaniya at napabuntong hininga na lang siya sabay hawak sa kamay ko.

"Hayaan mo siya, araw na 'tin itong dalawa kaya bahala siya sa gusto niyang gawin, basta tayong dalawa aalis ngayon," sagot niya at napangiti na lang ako saka siya inalalayan sa pag-akyat sa loob ng karwahe.

Nakatingin ang mga katulong sa amin at halatang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita nilang relasyon naming dalawa ng kanilang amo pero wala naman ni isa sa kanila ang nagsasalita o hindi sang-ayon sa relasyon namin, dahil kahit naman ang Duke ay wala nang nagawa kaya hindi na namin ito tinatago sa mata ng iba.

Nung una nga iniisip ko kung hanggang kailan ako itatago ni Cana, akala ko hindi sasagi sa isip niya na ilantad kung anong relasyon ang mayroon kami sa high society pero hindi pa nagtatagal ang relasyon namin ay bukas niya na itong binalita sa iba.

Sabi niya natatakot siya nung una na aminin ang mayroon kami dahil sa baka masira at madamay ang pangalan ng pamilya niya pero dahil sa pinakalat na agad ito ni Keisha ay pinanindigan niya na ito at hindi na tinago pa.

"Naisip mo na ba pano nalaman ni Keisha ang tungkol sa atin?" Tanong ko sa kaniya habang nasa loob kami ng karwahe at papunta sa Liverpool.

"Hindi pa nga rin eh, sa ngayon binabantayan ko ang galaw nila Beth at iba pang dating katulong ni Keisha pero wala naman akong napapansin na ibang kahina-hinalang galaw sa kanila," sagot niya at napaisip naman ako kung sino ang nagsabi o pano nakarating kay Keisha ang balita tungkol sa relasyon namin.

"Wag ka na masyadong mag-isip Viggo, araw natin 'to kaya dapat mag enjoy lang tayo at wag na mag-isip pa ng ibang bagay okay?" Sabi niya kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kaniya, pinilit kong iwan lahat ng mga isipin ko sa border at uubusin ko ang araw na ito na tanging masasayang memorya lang ang itatak ko sa aking isip.

Byumahe kami papuntang bayan bago kami dumatresyo sa Liverpool para manood ng sunset, hinatid kami ni mang Solomon at iniwan din kami sa bayan para mamasyal.

Naglakad-lakad kami doon at pinuntahan ang mga paborito niyang tindahan lalo na iyon panenderya na lagi niyang binibilhan.

Masaya kaming nag-iikot sa bayan nang walang nakakakilala sa amin dahil sa normal naming kasuotan at sa dami ng mga commoner ngayon sa bayan.

"Viggo, may gusto ka bang bilhin? Regalo ganun?" Tanong niya habang kumakain at naglalakad sa bayan.

"Hmm.. para saan? Wala naman akong kailangan," sagot ko sa kaniya at nag-isip naman siya mabuti.

"Naisip ko lang na hindi ko pa alam ang kaarawan mo, gusto kitang bilhan ng regalo," sagot niya na kinabigla ko.

Sa totoo lang hindi ko alam kung kailan ba ang kaarawan ko, bata pa kasi ako nung natatandaan kong siniselebra namin ng aking ina ang munti kong kaarawan.

Sa araw na iyon lang kami nakakain ng masarap at tanda ko na lagi akong kinakantahan ng aking ina habang may ngiti sa kaniyang labi.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now