♕CHAPTER 47♕

Magsimula sa umpisa
                                    

Napailing na lang ako at tinago ang pagkapikon ko kay Keisha dahil halatang kinuwento niya sa Duke ang tungkol sa 'ming dalawa ni Viggo.

"Kiera kailangan na 'tin mag-usap," seryosong utos ng Duke at umalis na sa harapan namin kaya tumayo na rin agad ako at sinundan siya sa paglalakad.

"Mahal, wag mo sana pagalitan ang anak mo," rinig kong habol ng Duchess sa kaniyang asawa at lumingon lang ito.

"Usapan namin itong dalawa Carla, bumalik na kayo sa tent niyo at magpahinga," utos niya at nakita ko ang Duchess na halatang nag-aalala sa 'kin at si Keisha naman ay patagong nakangiti.

Napalingon din ang Duke sa likuran niya nang maramdaman niyang sumusunod si Viggo sa 'min dalawa.

"Sir Viggo, hindi ba't sabi ko usapan sa pagitan namin dalawa ito ng aking panganay na anak?" Seryoso niyang tanong kay Viggo at tumango naman ito.

"Ngunit butler po ako ni lady Kiera at hindi ko siya maaaring iwan o malayo sa kaniya," sagot niya na sapo na lang ng aking ama ang kaniyang noo at hindi pumayag sa nais ni Viggo.

"Iyon nga ang dahilan, butler ka lang niya kaya wag ka manghimasok sa usapan naming dalawa," inis niyang utos kay Viggo at hinila na ko papalayo sa kanila.

"Father! Bakit mo naman sinabi sa harap ni Viggo iyon?" Tanong ko sa kaniya nang makalayo kami sa maraming tao at napunta sa tapat ng isang liblib na sapa.

"At bakit! Sinira niya ang tiwala ko sa kaniya, akala ko ay mapagkakatiwalaan siyang butler pero iba pala ang turing niya sa 'yo! Alam mo ba ang pinapasok mo Kiera?" Tanong ng Duke at napayuko na lang ako.

Tama siya, malaki ang tiwala niya kay Viggo at hindi niya alam na may ibang relasyon na pala ang namamagitan sa 'ming dalawa.

"Sinisira mo ang imahe mo bilang lady at bilang isang Romulus, ano bang pumasok sa kokote mo at pumatol ka sa isang slave?" Dirediretsyo niyang tanong sa 'kin at halos masuklay niya na lang ang kaniyang buhok sa dinulot kong balita sa kaniya.

"Ikaw pa mismo ang bumili sa kaniya, pano kung bigla ka na lang niyang saksakin sa likod at kunin lahat ng mga pinaghirapan mo?" Tanong niya at umiling naman ako.

"Father, hindi porque mahirap si Viggo ay ganoon na ang gagawin niya para makakuha ng yaman, hindi siya linta na sisipsipin lang ang mayroon ako, hindi niyo ba narinig ang hiniling niya kanina sa harap ng emperor?" Seryoso kong tanong sa kaniya na nagpatahimik naman sa kaniya.

"Nais niyang maging noble man para lang bumagay sa katulad ko, feeling ko nga siya pa itong hindi deserved ang katulad ko dahil aminin na natin na matagal ko nang nasira ang pangalan ng pamilya na tin, matagal ko nang nasira ang imahe ko," sagot ko sa kaniya at natahimik kaming dalawa.

"Gusto ko siya bigyan ng pagkakataon, katulad ng pagbibigay niyo sa 'kin ng tyansa na mapatunayan ang sarili ko," muli kong sagot habang nakatingin sa mga mata ng aking ama.

"Father, hayaan niyo sana ako sa mga gagawin kong desisyon mula ngayon, hindi ko pwede turuan ang puso ko o mamili ng taong mamahalin ko para lang sa yaman, sa totoo nga lang nagmana ako sa inyo," sagot ko sa kaniya na kinabigla niya.

"Minana ko sa inyo 'yung lakas ng loob niyong ipaglaban ang mahal niyo, hindi ba't minahal niyo naman ang aking ina kahit na isang peasant siya?" Tanong ko at parang natauhan siya sa mga salitang iyon.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon