♕CHAPTER 46♕

Magsimula sa umpisa
                                    

"Binigyan ba kita ng sakit sa ulo?" Tanong ni Viggo at umiling naman ako.

"Hindi mo naman kasalanan hindi ba? Sabi mo siya ang na unang sumugod sa iyo kaya wag ka mag-alala hindi ako galit sa nangyaring kumosyon," saad ko at tumango naman siya sabay ngiti.

"Pero hindi ko maitatanggi na ginulat mo ko sa hiling mo sa harap ng emperor, akala ko hindi mo nais maging noble o mabilang sa aristocracy," saad ko sa kaniya at napakamot na lang siya ng ulo sabay buntong hininga habang pinapanood namin ang paglaki ng apoy sa aming harapan at ang pagsasayaw ng mga tao paikot rito.

"Hindi ko kasi maiwasan isipin na kung nais kong manatili sa tabi mo, kailangan ko talagang maging parte ng high society, dahil isang lady ang babaeng na gustuhan ko," saad niya at hindi ko maiwasan mapangiti.

"Kinikilig naman ako sa sagot mo, pero as in pinahanga mo ko Viggo," saad ko at nakita ko siyang na mula at umiwas ng tingin sa 'kin.

"Pinahanga mo rin ako dahil nagkalat ka na naman ng usapan tungkol sa pagtutok mo ng crossbow sa harap ni lady McMillan," saad niya at natawa na lang ako.

"Hayaan mo sila, nagbibiro lang naman ako. Lakas kasi nila manira ng araw kaya pinatikom ko lang ang mga bibig nila," saad ko sa kaniya at natawa na lang siya at napailing sa 'kin.

Patuloy kaming nagkwentuhan dalawa at hindi na tinago pa sa harap ng iba ang pagiging malapit namin sa isa't isa. Tutal kalat na naman ang balita tungkol sa relasyon namin ay hindi na namin ito itatago pa.

Kinakabahan lang ako kung anong sasabihin ng Duke pero dahil mukhang hindi pa nakakarating sa tenga niya ang balita ay hahayaan ko muna ang sarili ko magpahinga sa isipin.

Pero imbes na ma enjoy ko ang event na 'to ay bihla naman lumapit sa pwesto namin ang crown prince.

Seryoso ang mukha niya ag halatang alam niya na ang balita na kumakalat ngayon sa hunting ground, nakatingin siya sa 'ming dalawa ni Giggo at para bang gusto niyang patayin si Viggo sa mismong harapan ko.

"Lady Kiera, maaari ka bang makausap?" Saad niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad na humarang si Viggo.

"May pustahan tayo hindi ba crown prince?" Tanong niya kay Hendrix at ako naman itong nalito sa kung ano ang bagay na tinutukoy niya.

"Nanalo ako kaya lulubayan mo na si Lady Kiera," saad ni Viggo at tumingin naman sa kaniya ng seryoso ang crown prince at lumayo sa 'kin.

"Sige, pero hayaan mo sana akong makausap ng isa pang pagkakataon si lady Kiera," saad niya at napatingin lang ako sa kanilang dalawa, tumango si Viggo sa 'kin at para bang pinapayagan akong sumama kay Hendrix at si Hendrix naman ay parang nagmamakaawa na sumama ako sa kaniya.

Napailing na lang ako at sumama sa crown prince, sinundan ko siya sa paglalakad at pumunta kami sa loob ng tent niya.

"Iwan niyo muna kami," saad niya sa mga kawal at katulong na nasa loob ng tent, nang tuluyan nang makalabas ang mga ito ay halos masuklay niya na ang buhok niya sa inis.

"Ano bang iniisip mo lady Kiera?" Tanong niya at napapitlag ako sa taas ng boses niya.

"Tungkol ba sa 'min ito ni Viggo?" Tanong ko sa kaniya at lumapit siya sa 'kin saka hinawakan ang dalawang balikat ko.

Blood Contract with her Royal VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon