♕CHAPTER 45♕

Começar do início
                                    

Pero hindi ko aakalain na kakalat agad ang pang-aasar ko kay lady McMillan sa mga kalalakihan na kakarating pa lang sa hunting ground.

"Aba anak mukhang napakadami mo nang nakukuhang puntos, iba talaga ang ganda ng isang Romulus," rinig kong bati ng Duke kay Keisha nang nakangiti at halata sa mukha ng maldita kong kapatid na excited siyang makuha ang puting soro (white fox) na hawak ng Duke.

"Hindi naman po father, nahihiya nga po ako at hindi alam kung nararapat ko bang makuha ang puntos na 'to," nahihiya niyang sagot at akala mo naman talaga ay mahinhin siya.

"Nararapat syempre, ito ibinibigay ko sa 'yo ang isang soro para sa puntos mo," sagot ng duke at inabot kay Keisha ang isang normal na soro saka ngumiti kay Keisha at kita ko sa mata ni Kiesha ang pagkadismaya kahit na nakangiti siya sa harap ng Duke.

"Osiye ibibigay ko na ito sa kapatid at mama mo," sagot ng Duke at miske ang mga ibang noble na nakakita ay nanghinayang dahil hindi ibinigay ng Duke ang puting soro kay Keisha bagkos lumapit siya saming mag-ina at inilapag niya ang puting soro sa paanan ng Duchess.

"Inaalay ko para sa pinaka maganda kong asawa," sabi niya at para namang maluluha ang duchess at agad na niyakap ang Duchess.

Kinilig naman ako sa kanilang dalawa at hindi maiwasang mapangiti dahil sa pinakita ng Duke.

"Hahaha wag mo ko yakapin, madumi ako galing sa pangangaso," saad ng duke at tumingin sa 'kin sabay ngiti.

"Pasensya na Kiera, ibibigay ko ang puntos na to sa inyong ina, pareho lang kayo ni Keisha na may limang puntos sa 'kin," saad niya at masaya na ko sa unang puntos na nakuha ko.

"Salamat po father," saad ko at masaya nakipag-usap sa kanila habang iniintay namin ang iba na dumating.

Natawag ang pansin naming lahat nang makita ang bitbit ni sir Grimm na isang tigre, buhat-buhay niya ito sa kaniyang balikat at dire-diretsyong naglakad papunta sa harap ni Diana at inilapag ito sa harapan niya.

"Oh my! Pinakamataas na puntos," rinig kong bulalas ng iba at kita ko sa mukha ni Keisha ang inis dahil natalo na siya ni Diana.

Lamang na sana siya kay Diana dahil mas marami ang natatanggap niyang offering ngunit nung dumating ang malaking tigre na may trentang puntos na dala ni sir Grimm ay na talo na siya ni Diana sa paramihan ng puntos na 'to.

"Hehehe," di ko maiwasan matawa nung makita ko ang mukhang ni Keisha at panay ang lingon sa paligid kung may magbibigay pa ba sa kaniya ng malaking usa para naman madagdagan ang puntos niya at malamangan pa ang prinseaa ngunit paunti na nang paunti ang lumalabas sa gubat at wala na ni isa ang nag-aabot sa kaniya.

"Hmm ang crown prince na lang ba ang iniintay?" Rinig naming tanong ng emperor sa harap naming lahat at bumulong sa kaniya ang kawal.

"Ang crown prince na lang, ang heneral at si sir Viggo ang iniintay saka natin makikita kung sino ang mananalo sa palaro na 'to," anunsyo ng emperor at hindi ko alam bakit biglang kumabog ang puso ko.

Bakit sa lahat ng pwedeng matira ay si Viggo at ang crown prince, idagdag mo pa na kasama pa nila sa loob si Heneral Hervaux na malaki ang galit kay Viggo.

Bigla akong kinabahan, hindi pa rin dumarating ang mokong na dragon na 'yun, saan ba sila nagsuot at pinapakaba nila ako nang matindi.

Blood Contract with her Royal VillainessOnde histórias criam vida. Descubra agora