Chapter 16

106 4 0
                                    


Kinabukasan sinamahan na kami ni Ren para matunton ang sinasabi nyang mga tropa ni Cody. Hanggang sa dinala nya kami sa isang konkretong tulay na tanging naghuhugpong papunta sa kabilang kalye. Bumaba kami sa tulay at doon natunton namin ang sinasabi nyang hide out nina Cody.

Bumungad sa'min ang mga nagkalatang basyo ng alak at mga upos ng mga sigarilyo. Mababasa naman sa pader ang mga nakasulat na marahil ay mga pangalan ng myembro ng grupo nila. Naabutan namin silang mga nakahilata lang at may kani-kanilang pwesto ng paghiga.

"Nasan si Cody? Kasama ko ngayon ang mga nabiktima nya," tanong ni Ren.

"Pare, pasensya na pero wala sya ngayon dito. May pinuntahan kasi sya. Kung gusto nyo, bumalik na lang kayo sa ibang araw," tugon ng isa sa grupo.

Sa loob-loob ko ay siguro matibay lang talaga ang samahán ng tropa nila kaya ayaw nilang sabihin ang kinalulugaran ng kasama nila. Sa tingin ko ay takót silang magtraydor.

"Pakiusap, sabihin nyo na kung nasan sya. Kung pera lang ang kailangan nya ay bibigyan ko sya nito basta ibalik lang nya ang kinuha nya," pagsusumamo ko.

"Sabing hindi nga namin alam at kung alam namin ay di parin namin sasabihin. Sya ang lider namin at paniguradong magagalit sya pag itinuro namin sya."

"Nandon lang sya sa kagubatan. Makikita nyo sya sa may puno doon na naiiba sa lahat. Magmadali kayo para maabutan nyo pa sya," biglang sabat ng isa sa kanila.

"Walang-hiya ka! Bakit mo sinabi? Siguradong malilintikan tayo nito dahil sa kadaldalan mo. Pinairal mo na naman yang pagkamaawain mo. Palibhasa magandang babae sya."

"Salamat sa'yo ha. Ang bait mo naman. Wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong di sya magagalit sa'yo," tugon ko.

Umalis na kami ng tulay at agad kaming nagtungo sa kagubatan. Medyo malayo din ito at inabot kami ng tatlong oras bago makarating dito. Pinasok namin ito na halos may pare-parehong mga puno. Pangkaraniwan lang naman ang mga ito maliban sa isa na pinakamatandang puno na walang mga dahon at puro mga sanga lang ang makikita dito.

Naabutan namin sya na nakaharap sa katawan ng puno na iyon. Hindi nya kami narinig na dumating.

"Ayun! Si Cody na ba yung nakatikod na iyon na nasa harap ng puno?" tanong ko.

"Siya na nga ang hinahanap nyong tao. Mabuti naman naabutan natin sya."

Habang minamasdan namin sya ay nagulat ako dahil sumuót sya sa malaking butas sa katawan ng puno. "Aba! May lagusan pala sa punong iyon. Ano kayang meron sa ilalim nyon? Tara, sundan natin sya."

Lumapit kami bagaman may takot kaming nararamdaman dahil sa maaaring naghihintay sa'min sa ilalim nito. Nagpauna si Malik na lumusot sa butas pagkatapos nya ay sumunod naman ako. Nagpahulí naman si Ren na mukhang nag-aalinlangan pa sa pagsuong sa lagusan.

Pagkalusot namin ay mabilis kaming nagpadausdos pababa hanggang sa bumagsak kami sa underground ng puno. Paglingá ng mga mata ko sa paligid ay nakita ko ang napakaraming mga mamamahaling gamit na nakatambak. May malaking baol na punong-puno ng mga gintong barya. May baol naman na halos mga mamahaling alahas ang laman. May mga magagarang espada at baluti rin na marahil ay galing pa sa mga kaharian. Nakatambak din ang halos lahat ng mga gamit sa bahay. 

"Cody! Ibalik mo sa'min yang mga kinuha mo," pasigaw kong pagkakasabi.

Napalingon sya at nagulat dahil nakita nya na may nakasunod pala sa kanya. "Sino namang may madaldal na dila ang nagturo sa inyo sa lugar na ito?" 

"Itinuro ka sa'min ng isa sa mga tropa mo. Ano bang ginagawa mo dito?"

"Narito ako para mag-alay sa hari ng kagubatang ito kapalit ng isang kahilingan."

Charming WitchDonde viven las historias. Descúbrelo ahora