Chapter 34

55 2 8
                                    

Chapter 34

Face reveal

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ako ngumingiti tuwing na-aalala ko ang mga tinginan namin kahapon? Pati iyong simpleng pag-uusap. Oh gosh, bakit ayaw ko pang tikman ang lemon na 'to?

"Wala akong gusto sa kaniya. Wala akong gusto. Wala. Gosh!" Inilagay ko ang lemon na ibinigay nito sa akin sa may refrigerator at na-upo sa may kusina.

What is wrong with me? Akala ko ba ay wala na, Venice? I have all the signs of liking someone. Hindi ako tanga. Hindi na ko manhid.

Ngayong nandito na siya, bumabalik na naman ang nararamdaman ko. Kahit pa pilit kong kumbinsihin ang sarili kong hindi na nga siya ay wala akong magawa.

I can let myself like him again but I don't want to. What if the world does something that can hurt us badly again?

Natatakot na akong gustuhin siya.

"Ate, may tumatawag sa'yo!" Rinig kong sigaw ni Vince mula sa sala. Hindi naman na ako nag-abalang tumayo dahil siya na ang nag-abot sa akin ng cellphone ko. Nang makitang boss ko ang tumatawag ay agad ko iyong sinagot.

"Good morning, sir" I greeted "Bakit po?"

[Can we have your location, Venice?]

"Sir?" I asked, feeling confuse. Napakunot ang noo ko at wala sa sariling nagtungo sa labas ng bahay namin. Napatingin ako sa address na nakasulat sa tabi ng pintuan namin.

He told me that he's gonna send copies of my book to me. Maganda raw kung pipirmahan ko na ang ilan sa copy ng A Kiss On The Riverside dahil kung hindi ay ako ang mahihirapan sa book signing ko.

It make sense actually. Baka dagsain ng mga readers ang venue, at maraming readers ang ma-disappoint kung limited ang mga librong mapipirmahan ko sa book signing at meet and greet ko. Ayaw ko iyong mangyari. I want all the readers to have my signature in their books.

It was the biggest dream of mine and my supporters. Ayaw kong mag-inarteng masakit na ang kamay ko kaka-pirma.

Pero naka-leave ako ngayon.

[I suggest you start signing some copies early, hija. Pinag-aralan at napag-usapan namin ang best date for your book signing and it will be earlier than what you think]

Kumalabog ang puso ko sa narinig. Wala pa kaming na-set na schedule para sa book signing ko. Ang release ng physical copy ng libro ko ay sa next week na. Sa ngayon, ang alam ko pa lang at ng readers ko ay sa taong ito ako mag-fe-face reveal.

Oh gosh, ready na ba talaga ako?

"It could be next month" he said "the last month of summer for this year"

Napa-kagat ako sa pang-ibabang labi ko. I can feel the excitement, but the doubt is there as well. I fear a lot of things. I have a lot of what if's. Habang lumilipas ang mga panahon, mas lalo akong kinakabahan kapag naiisip ko ang magaganap na book signing. Samantalang noon ay tuwang-tuwa ako kapag naiisip ko iyon. 

It could be next month.

At the end of conversation, isinabi ko na ang address ko dito Isaviadar. It was actually a miracle to receive four big boxes of books early. Umaga ang usapan namin mg boss ko, tapos hapon pa lang ng kaparehong araw ay na-receive ko na ang ilan sa mga libro ko.

"Thank you, Kuya!" I gratefully said. Binigyan ko pa ng saglit na yakap si kuya Aldrin na nakasimangot. Siya kasi ang pinagbuhat ko ng mga libro paakyat sa kwarto namin.

"Sige, buksan na natin" kinuha nito ang cutter at akma nang lalapit sa isang malaking kahon nang pigilan ko siya.

"Wait lang!" Inagaw ko sa kaniya ang cutter "Ako muna. Bilis na. Labas ka na muna"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Where stories live. Discover now