Chapter 24

40 5 19
                                    

Taylor Swift - Come back... Be here

Chapter 24

Acceptance

The riverside feels so empty and everything looks grey. It's summer but nothing seems bright enough, brighter than his smile that I won't be able to see.

The days are just like what I thought ot would be without him.

Wala na namang pumapasok sa isip ko para makapag-sulat. Wala na naman akong gana magbasa, o gumawa ng kahit ano pang bagay.

Kung sabihin ko kaya kay Francois biglaan na mahal ko siya? Tutal naman ay nasa akin ang number niya.

Napapikit ako ng mariin at tinapik-tapik ang mukha ko.

Ven, ano ba 'yang iniisip mo?!

Pero sa totoo lang, ilang beses akong nagdalawang isip para I-message siya. Ano ba kasi ang kinakahiya ko? I have his number now. Kamustahin ko kaya?

Kaibigan ko naman siya, wala namang masama doon. Siguro naman ay na-realize niya nang tama ang ginawa kong pag-usap sa kaniya, na tama lang at umalis na siya.

Siguro naman na-realize na niya.

Tatlong linggo na rin ang nakalipas 'e. Tatlong linggo na niyang ginugulo ang utak ko. Tatlong linggo na akong hindi mapakali, hindi maayos.

Napatitig ako sa ilog. Kailangan ko ng sign!

Dumukot ako ng coin sa bulsa ko. I-fli-flip ko iyon. Kapag sa head ang lumabas, tatawagan ko. Kapag tail naman ay hindi.

Ipinosisyon ko iyong coin sa thumb at hintuturo ko para i-flip iyon. At nang na-flip ko na, pinagmasdan ko ang pag-ikot nito sa ere.

Bakit ko pa ba ginawa ito? Habang pinagmamasdan ko ang pag-ikot ng coin, natatagpuan ko ang sarili kong umasa na head ang lumabas. Pero hindi. Nang sandaling bumagsak ito sa lupa, tail ang nagpakita.

Pinulot ko ang coin at napa-titig doon.

Hindi, dapat tatlong beses. Kung anong mas marami, iyon ang mananaig.

Nag-flip ulit ako ng coin at head ang lumabas. Tie na. Sa sumunod kong flip ay head ulit ang lumabas dahilan para mapangiti ako ng tipid.

Pa'no ba 'yan? Tatawagan ko na.

In-on ko ang phone ko at nag-scroll sa contacts. Nang mahanap ko ang pangalan niya ay walang alinlangan ko iyong clinick. Hindi naman ako kinakabahan...konti lang.

Sa totoo lang, alam ko na ang time difference dito at sa Italy. 2:30 na ng tanghali at sa tingin ko ay mga alas otso na ng umaga sa kanila. Paniguradong gising na siya. Six pa nga lang ng umaga ay naka-bangon na siya. Hindi naman pumapalya sa sleeping schedule ang lokong iyon.

Pero nangunot ang noo ko nang makitang hindi iyon nag-ri-ring. Bigla na lang mamamatay.

Bakit ganito? May mali ba o ayaw niya lang ako kausapin?

Ilang beses akong umulit na tawagan pero ganoon pa rin ang nagpapakita. Basta na lang iyong namamatay. Hindi ko maintindihan. Nagsimula na namang mag-iba ang pakiramdam ko at mawalan ng gana.

Nagdududa na ako. Totoong number niya ba ito? Bakit hindi ko ma-contact? Kung tumawag ako noong araw na umalis siya, hindi ako magdududa. Kaya lang ay ilang linggo na ang nakalipas. Impossible namang tatlong linggo ang lalaking iyon sa eroplano. Parang hindi naman tatagal ang tampo niya sa akin ng tatlong linggo.

Bakit parang hindi nag-e-exist ang number na ibinigay niya sa akin?

Naiiyak na naman ako. Puro iyak na lang. Ang babaw ko na naman.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon