Chapter 33

54 4 7
                                    

Chapter 33

Lemon

Pagkatapos niyang guluhin ang utak ko, saka na naman siya biglaang mawawala.

Ofcourse I feel bad. I feel bad for lying that something is going on with me and Ethan, I feel bad for not eating the half of the hotdog that he gave! Ngayon tuloy ay hindi na nagpapakita ang loko.

Pumunta ulit ako sa ilog kahapon at wala siya. Naglibot-libot rin ako. Pero ni-anino niya ay wala.

Ito naman ang gusto ko 'di ba? I feel awkward with him. Now that he's not here, why am I lowkey hoping that some kind of an interaction with him will happen?

Lokohan lang.

Nanatili ang mga kamay ko sa bulsa ng suot kong kulay brown na pants. Naka-black croptop ako at brown na bucket hat. May suot rin akong necklace na ka-match ng hikaw ko. I let my soft and long hair down. Naka-salamin rin ako ngayon dahil request ni Chad.

Pangatlong araw ko na dito sa Isaviadar at papunta ako sa highway dahil nandoon ang kotse ni Isaac. Ide-date raw nila ako ni Chad. It's nice to think that we're still friends until now.

Kasama kaya nila si Francois?

I mean, bago naman ako dumating ay kilala na nila siya. At mas close sila sa kaniya! Ughh! Bakit ko pa ba siya iniisip?

It would be really great if he'd come with us. I get to say sorry and clear everything out. Pero hindi ba magiging awkward kung sakaling kasama siya?

Mula sa nilalakaran ko ay natanaw ko na ang highway. Mayroon ring magarang kotse na naka-park sa tabi kung saan may tatlong lalaki ang nakasandal. Una akong napansin ng naka-all brown outfit at naka-shades na si Isaac. Kumaway ito sa akin dahilan para mapangiti ako at binilisan ang lakad ko.

Si Chad na nagsi-sigarilyo ay napatanaw sa akin. Tinapon nito ang yosi niya at kumaway rin. Parang ang pormal ng kilos niya ngayon. Pero ang suot niya ay parang kagaya pa rin ng dati nitong ayos. Wala na siyang hikaw sa ilong, o kaya mga necklace at singsing.

And the third guy is... Him. Hindi ito lumilingon sa akin. Simple lang ang suot niya. Orange long sleeve na pinatungan nito ng black at plain na oversized T-shirt. Nang makalapit ay pumasok na ito agad sa sasakyan.

"Venice!" Tawag ni Chad. Yumakap ito sa akin habang nakangiti. Kinuha nito ang bucket hat ko at isinuot iyon "Magpa-gupit ka na! Mas bagay mo 'yung short hair"

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Isaac. Nag-fist bump kami.

"Kahit saan po, professor Isaac"

He shrugged "Alright,"

Pumasok na si Isaac at umupo sa loob ng sasakyan niya. Siya ang magma-maneho. Nang buksan ni Chadelior ang pinto kung saan uupo siya sa may harapan ay inunahan ko ito. Dali-dali akong pumasok at umupo sa may driver seat, katabi ni Isaac.

"Gusto ko dito," may hilaw na ngiti kong sambit pagka-upo. Para hindi umangal si Chad ay nag-seatbelt na agad ako.

Alam kong sa likuran nakasakay si Francois. Ayaw ko nga siyang katabi!

Nag-roll eyes sa akin si Chad bago isinara ang pinto at pumunta na doon sa likuran para tabihan ang Italianong hindi ko nililingon.

In-on ko ang music ng sasakyan. At napa-pikit na lang ako ng mariin dahil Cigarette Daydream ang siyang tumugtog.

Pina-andar na ni Isaac ang kotse "Any suggestions kung saan pwedeng i-date si Ven?"

"Gusto ko sa may pizza," usal ni Chad "Gusto ko rin uminom"

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant