Chapter 2

130 6 10
                                    

Chapter 2

Trouble

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako sumaya na naglinis. Basang basa iyong damit ko kanina dahil wala nang ginawa si Kuya Aldrin at Vince kundi wisikan ako ng tubig. Mabuti na lang at maayos naman ang loob ng bahay at hindi madumi. Kaunting punas, walis at pag-aayos lang ng gamit ang ginawa namin.

Sa labas naman ay tinanggal namin ang mga halaman na umakyat na sa mga pader, trinim ang may kahabaan nang damo, nagwalis si Kuya Dexter at naglinis sa bubong, brinush ko naman iyong pader at si mama naman ay nag-ihaw sa ilalim ng puno na hindi kalayuan sa bahay.

Ngayon ko nasabi sa sarili ko na maswerte ako sa kinabibilangan kong pamilya. Nagtutulungan kami, umaayon sa desisyon ng isa't isa basta tama, nagagawang ngumiti sa kabila ng lahat at suportado kami sa bawat miyembro. Ngayong nandito kami malayo sa mga kapatid ni papa at iba naming kamag-anak, pakiramdam ko ay payapa ang magiging pamumuhay namin.

Alam kong ganoon din ang nararamdaman ng mga kapatid ko at ni mama.

"Uno!" Sabay na sabi nila Kuya Aldrin at kuya Dexter. Parehong competitive.

"Nauna ako nagsabi!" Si Kuya Aldrin na bumunot ng dalawang uno card sa mesa at inaabot kay Kuya Dexter.

Sinamaan ito ng tingin ni Kuya Dexter na iisang baraha nalang ang hawak "Nauna ako."

Napailing ako "Si Vince ang magdedesisyon"

Agad namang humarap ang dalawa sa walang kamuwang-muwang kong kapatid na nakakandong sa akin. Si Kuya Aldrin na mukhang shrek ay biglang nagpacute at may pakagat labi pa. Si Kuya Dexter naman na nakakatakot ay himalang ngumiti at nagmukhang mabait. Nagpapalit-palit ng tingin si Vince sa kanila.

Terno ang pajama naming apat habang nakaupo sa sahig at naglalaro ng uno. Ngayon, kaming apat ay mag-s-stay sa iisang kwarto. Hindi kagaya noon sa syudad kung saan nakatira pa kami sa puder ni papa.

Pero sa totoo lang, mas gusto ko ito.

Walang maririnig na ingay sa labas. Nagkakaroon kami ng oras sa isa't isa at magaan ang loob namin sa lugar na'to. Kakaiba ang vibe. Pakiramdam ko, isa akong main character sa movie.

"Matulog na kayo" si mama na hindi namin napansing binuksan ang pintuan "Anong oras na. Pupunitin ko iyang mga cards niyo" pinanlakihan kami nito ng mata.

Nakita ko pang nagkatinginan sa isa't isa ang dalawa kong kuya at nagbelatan sa isa't isa. Parang mga bata. Gusto pa nga nilang iseperate ang mga cards nila at itutuloy daw namin bukas.

"Mag-isa lang ako sa kama na'to!" Asik ni Kuya Aldrin na agad inihiga ang sarili sa kamang nakalagay sa gilid. Sa pinaghigaan niya kasing kama na nakalagay sa tabi ng plain na dingding ay alam niyang pwede siyang magdikit ng mga posters doon na gustong-gusto niya.

Tatlo lang ang kama kaya hinawakan ko iyong kamay ni Vince "Katabi ko nalang ito. Tag-isa niyo na lang ng kama basta doon kami sa tabi ng bintana"

Nang mapatingin sa akin si Kuya Dexter ay matamis akong ngumiti dito. Alam kong gusto niya rin sa kamang napili ko. Sa huli ay tumango na lang ito dahilan para mas lumawak ang ngiti ko at dali-daling magtungo doon.

Si Kuya Dexter, humiga sa bakante. Ang higaan ngayon nila kuya Dexter at Kuya Aldrin ay pinagigitnaan ng pintuan. Malaki-laki naman ang pagitan nila. Ang higaan naman namin ni Vince ay nasa tapat ng pintuan at tabi ng bintana. Sa pinakagitna ay may fluffy mat kung saan pwede ring humiga o kaya gawin ang mga gusto namin.

Saktong sakto lang talaga ang silid. Iyong may space, nilagyan na lang namin ng study table, electric fan at maliit na pwesto para sa bookshelf ko. Nagawa pa naming kabitan ng maliit na basketball ring sa pinto para kay Vince. May isa pang maliit na pintuan sa tabi ng kama ni Kuya Dexter. Sa loob niyon nakalagay iyong mga drawer namin.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Where stories live. Discover now