Chapter 21

48 5 10
                                    

Chapter 21

Beg

We pretend nothing happened, but deep down our hearts, we both know what we did.

Nagiging iba na ang tingin ko sa paraan ng kaniyang mga ngiti at kislap ng mga mata. Kakaiba na ang bawat pagdampi ng balat niya sa akin, at maging ang maliliit na bagay na ginagawa niya ay nakakatuwa.

Ang paraan niya ng paghinga, ang kaniyang pagtakbo, at kung papaano gumalaw ang buhok niya ay masarap pagmasdan. And his eyes... Nahihipnotismo na ako sa mga mata niya.

Hinayaan ko lang na maglaro ang mga daliri ko sa malamig na ilog, habang lumulutang kami sa ibabaw at nakasakay sa bangkang si Francois ang nagsasagwan.

Nakatanaw lang ako sa kung saan, dinadama ang hangin at dinadamdam ang titig niya sa'kin.

Noon naman ay wala akong pakialam at ayaw kong may nakakapansin sa akin o tumitingin. Ngunit bakit kapag mga mata niya ang nagmamasid sa akin ay parang natutuwa pa ako? Bakit ang sarap sa pakiramdam na isiping lahat ng atensyon niya ay nasa akin?

He's too close...so close to me now.

Saan kaya ang hangganan ng ilog na'to?

"How's school?" He asked.

Napatingin ako sa kaniya at nagtaka sa biglaan nitong tanong. Nanonood lang siya sa akin, na para bang isa akong nakaka-aliw at magandang palabas. Iyong mga kamay naman niya ay parang may sariling buhay na nagsasagwan.

Maliit lang ang bangka namin kaya't may pagkakataong aksidente kaming napapadikit sa isa't isa. Magkaharap kami at sadya nitong sinasagwan ang bangka sa paraang patalikod nito ang takbo at paharap naman ang sa akin dahilan para hindi ako mahilo.

"Ayos lang naman" sagot ko dito at tumango siya. Maya maya pa ay muli na naman itong nagtanong.

"You're not struggling on the track you chose?"

Umiling ako "Hindi. Tsaka may mga tumutulong naman sa akin kapag nahihirapan ako"

Ngumuso ito "Is it Ethan?"

Pigil akong ngumiti at pinanatiling normal ang paraan ko ng tingin dito "Oo"

Totoo namang tinutulungan talaga ako ni Ethan. Malay ko ba kung bakit pagdating sa design ay magaling ang isang iyon. Pero kahit kailan ay hindi ako nagpagawa sa kaniya ng mga gawain. Kinukuha ko lang ang opinyon niya at nagtatanong. Minsan naman ay sa kaniya na rin ako humihiram ng gamit. Matalino na nga, creative pa. Wala nga lang siyang sports. Iyon naman ang ayaw niya.

"Bakit si Ethan?" Tanong nito at saglit na nag-iwas ng tingin "I mean... Isaac can help you"

Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng bangkang sinasakyan namin. Inalis ko sa tubig ang isang kamay ko at kinuha ang puting panyo na nakasabit sa balikat ni Francois para magpunas.

Napangisi ako "Iyang Isaac na 'yan, naligaw lang yata. Wala nga siyang interes sa arts. Minsan ay pinapagawa niya na nga lang. Ginagamit niya lang iyong charm niya at ayos na ang lahat"

Akala ko ay tatawa siya pero parang seryoso pa rin ito at walang reaksyon na tumango.

"What about your other friends?"

I made a thinking face "Tingin mo may alam si Chad sa arts?"

Umiling ito "No, I mean... Like... Friends" he licked his lower lip "Iyong girl friends"

"Ohh," inayos ko ang salamin ko "Wala naman akong kaibigan na babae maliban doon sa isa. Iyong si Thea. Isa rin iyong walang ambag minsan" ngumisi ako.

"Edi humingi ka ng tulong kila kuya" sumimangot na siya.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora