Chapter 15

50 5 21
                                    

Chapter 15

Message

Napatayo na ako sa pagkaka-upo. Natigilan si Vince, pati siya ay nanlaki ang mata nang marealize na nalaman kong ine-record niya lahat. Literal na malapit na akong magpanic.

"Vince," tawag ko dito na may nananatsang tingin.

Akala ko matatakot siya ngunit imbis na mag-sorry at idelete ang record, binelatan ako ng loko at kumaripas ng takbo!

Saglit pa akong natulala. Hahayaan ko ba siya? Record lang naman 'yun. At isa pa, pwede ko lang sabihin na pinang-uto ko lang sa kaniya iyon.

Kaya lang, masyado naman iyong mga pinagsasasabi ko! Ano na lang ang iisipin ni Francois kung narinig niya iyon?

Doon na ako natauhan. Dapat ma-delete ang record! Hindi ako pala-takbo at kakakain ko lang pero wala na akong pakialam. Kumuha ako ng unan panghagis at pamalo bago kumaripas ng takbo. Unang tingin pa lang sa akin ni Vince nang nasa hagdanan na ako pababa ay nagsisisigaw na siya.

Ibinato ko iyong unan sa kaniya. Ha! Bullseye! Kaya lang ang loko, pinulot ang ibinato ko sa kaniya at inihagis sa akin pabalik.

Nakailag ako dahil agad akong yumuko pero doon naman ako sa hawakan ng hagdanan nauntog!

"Vince! Sinasabi ko talaga sa'yo!"

Patawa-tawa itong tumakbo tungo sa kusina. Sumunod ako sa kaniya bitbit ang unan at pagdating ko sa kitchen ay nakatago na siya sa likod ni mama. Pero parang hindi na lang iisa ang phone na hawak niya.

"Ano bang nangyayari?" Si mama.

Tinuro ko ito "Ma, umalis ka diyan"

Kung tatabi naman si mama ay sasama si Vince na nagtatago sa likuran nito. May hawak siyang dalawang phone. Iyong isa ay kung nasaan ang record at ang isa naman ay hindi ko alam kung para saan.

Inihanda ko na ang kamay ko sa paghagis ng unan na hawak.

"Ma, tabi ka po" pinipilit ko na lang talagang hindi maiyak.

Bakit dalawang phone na ang hawak niya?

"Eh ano ba kasing gagawin ko?" Si mama. Kasasabi ko lang na tumabi siya e!

Ibinato ko iyong unan. Tawa nang tawa si Vince dahil hindi siya natamaan!

Hanggang sa maayos kong natanaw yung isang phone na hawak ni Vince. Hindi ako makapaniwalang tumingin doon. Ishi-ne-share niya na sa phone ni mama iyong record! May nakita pa akong chathead na lumabas. Mukhang pati sa Messenger ay sinesend niya na kung kanino!

Anong klaseng utak ang mayroon sa batang ito?!

"Vince, ano 'tong sinend mo?" Tanong ni kuya Aldrin. Pagtingin ko sa likuran ay kapapasok lang rin nito sa kusina habang nakatingin sa phone niya.

"Huwag mo papakinggan! Huwag!" Agad akong tumakbo papalapit sa kaniya at hinablot iyong phone niya.

"Adik ka ba?" Asik nito. Lumapit siya sa akin at nakisilip sa pagpindot ko doon sa phone niya "Anong meron?" Akma niyang pipindutin ang play ng record pero iniiwas ko iyong phone niya at bahagyang lumayo.

Agad kong niremove iyong message ni Vince na record at alam kong iyon ang boses ko. Kinuha naman ni Vince ang pagkakataong tutok ako sa cellphone para dali-dali siyang makalabas ng kusina. Sana pala ay hinayaan ko nalang na mag-drama ang batang iyon!

Nang susundan ko ito papalabas ng kusina ay sakto namang dumating si kuya Dexter. Nakahawak ito sa phone niya.

"What's going on?" Nang tinanong niya iyon ay saktong tumunog ang phone niya. Tatlo kaming magkakapatid na sabay-sabay napatingin doon.

A Kiss On The Riverside (Isaviadar Province Series #1)Where stories live. Discover now