"Ano na namang ikinabubuntong hininga mo ha?" Mataray na tanong ni Crystal.

"Hahawakan ko lang naman kasi 'yung kamay mo ayaw mo pa. Sus! Sa guwapo kong 'to inaayawan mo ang paghawak ko sa kamay mo samantalang 'yung iba gustong-gusto hawakan ang kamay ko."

"LQ sila." Natatawang saad ni Kesha.

"Ikaw guwapo? Saan banda?" Natatawang saad ni Crystal. "At kung bumubuntong hininga ka dahil ayaw kong hawakan mo ang kamay ko, edi hawakan mo 'yung kamay ng iba. Dami mong sinasabi."

Napanguso na lang ako sa sinabi ni Crystal at tinawanan naman ako ng mga kaibigan namin.

Pagdating namin sa school ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Hindi ko 'yon pinansin at akmang aakbayan ko na si Crystal ng makatanggap ako sa kaniya ng batok.

"Pati ba naman dito sa school malandi ka." Saad ni Crystal.

"Aakbay lang naman," Saad ko sabay nguso.

"Huwag kang ngumuso d'yan nagmumuka kang bibe." Saad ni Crystal.

"Kailan kaya kayo titigil sa kakabangayan?" Natatawang tanong ni Jamaica.

"Kapag patay ka na." Sagot ko na ikinatawa namin.

Dahil maaga kaming nakakarating sa school ay pumupunta muna kami sa cafeteria. Habang papunta kami ay nakita namin si Sabrina.

Pagdating namin sa cafeteria ay hahawakan ko na sana ang kamay ni Crystal ng magsalita ito.

"Subukan mo lang akong hawakan mawawalan ka ng kamay." Pagbabanta ni Crystal.

"Dude, tiklop ka na naman kay Crystal." Natatawang saad ni Benedict.

"Fuck you!" Saad ko kay Benedict na ikinatawa niya lang.

"Magmura ka lang sa susunod nakatahi na 'yang bibig mo." Saad ni Crystal.

"Anak ng... lahat na lang bawal." Inis na saad ko.

"May sinabi ba akong bawal?"

"W-wala." Sagot ko.

"Wala naman pala, e. Bakit sinasabi mo na lahat na lang bawal?" Mataray na tanong niya.

"Kasi naman kapag hahawakan ko 'yung kamay mo sasabihin mo puputulin mo 'yung kamay ko." Saad ko.

"E, kahit nasaan tayo ang landi mo. Kung hindi aakbay hahawakan 'yung kamay ko. Kung hindi hahawakan 'yung kamay ko bigla na lang yayakap." Saad ni Crystal.

Nanahimik na lang ako baka mamaya hindi pa siya pumayag na ligawan ko siya, e.

Lumipas ang ilang oras ay pumasok na kami sa klase, hinatid muna namin sila Crystal bago kami pumasok.

Aalis na sana kaming tatlo ng bigla akong tawagin ni Crystal.

"Galit ka?" Tanong ni Crystal.

"Ako dapat magtanong niyan sa 'yo." Saad ko.

"Sorry. Sige na, pasok na kayo sa klase n'yo. Huwag sana kayong madapa." Saad ni Crystal, sabay pasok sa room nila.

Nagsimula na kami maglakad at kahit maaga pa lang ay kinakabahan na ako mamaya.

Habang naglalakad kami ay pinag uusapan ng dalawa kung papayag ba si Crystal, na ligawan ko siya.

"Sa tingin ko hindi papayag si Crystal." Natatawang saad ni Benedict.

"Fuck you!" Saad ko na tinawanan lang niya.

My Secret AdmirerWhere stories live. Discover now