Isang buwan pa lang silang nakalipat ilang blocks mula sa amin. Nakakatuwa na agad nagkasundo ang mga batang ito kaya naka close ko na din si Celestine. I also formed a connection with her because she is a single mother, too.


While looking at Vanellope's pretty face, I can't help but feel a familiarity. Maybe because I also have little kids like her. Agad naging magaan ang loob ko sa kanya. She looks foreign, but I'm sure her mom's a Filipina. So, I guess, her dad's the foreigner. Hindi nga lang namin napag-usapan ni Celestine dahil alam kong sensitibong bagay iyon. Marami kasi akong kilalang katulad niya na nabuntis nga mga foreigner pero hindi pinanagutan.


"Clay, Carie, change your clothes first." Suway ko sa dalawa nang umupo agad sila para kumain ng dinner. Marumi kasi ng kaunti ang mga damit nila mula sa paglalaro.


Napanguso sila. Vanny chuckled at their reaction. Walang nagawa ang dalawa kundi sumama sa akin sa itaas. Sumunod din sa amin si Vanny.


While dressing up my kids, I looked at Vanny who is quietly sitting on the small chair near the beds. Natawa ako ng bahagya dahil sobrang straight ng pagkakaupo niya. Ako ang nahihirapan para sa likod n'ya eh.


She's very observant because her eyes always wander around her surroundings. Kahit tingnan mo lamang siya ay malalaman mong may taglay siyang katalinuhan. Ngumiti ako nang pasadahan niya ng kanyang daliri ang kulot kulot at mahaba niyang hazel brown na buhok. Napatingin siya sa akin at matamis ding ngumiti.


"May favorite food ka ba, hija?" I asked her while we were heading back to the dining.


Napaangat ang tingin niya sa akin. "None po in particular. Pero ayaw ko po sa cheese."


"Allergic?"


Umiling siya. "Not really, tita. Nakakain ko po siya, but I don't really like its taste."


"Oh, I see... Then it's good that we've prepared some food without cheese, huh?" I merrily said.


Sumilay ang magandang ngiti niya. "Opo!"


The whole dinner was filled with laughter. Kahit ano kasi ay tinatawanan ng mga ito. That made me feel better. Kahit na ako lamang ang matanda rito, hindi ako out of place. As I stare at them with a small smile on my lips, I can feel their innocence. Iyong tipong wala silang problema sa mundo. Na miss ko tuloy maging bata.


I am especially thankful for Vanny dahil alam kong tuwang tuwa sa kanya si Carie. Bago sa anak ko ang isang babaeng playmate at nakaka relate siya rito pagdating sa paglalaro, at iyon ang ipinagpapasalamat ko. Vanellope somehow helped me divert Carie's attention. Lagi kasing natututop ang bibig ko tuwing hinahanap niya sa akin si Clade.


Akala ko ba mama's girl ka, 'nak? Bakit mo pa hinahanap ang papa mo? He's gone. I'm not sure if he will ever come back. Maybe he's already happy somewhere without us...


Palihim akong tumawa ng pagak. Ako mismo ay sinabing huwag na siyang magpapakita sa akin, so bakit pa ako nagtataka na hindi na siya bumalik?

Russian Requiem (Book 2 of RR Trilogy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora