Ano pa bang dapat niyang sabihin? Ano pa bang dapat niyang ipamukha? Na ako'y naging tanga dahil pinagkatiwalaan ko siya? Na sa lahat ng araw na magkasama sila ay linoloko siya?

"Mayron akong ibig sabihin susannah-"

"Huwag mong babanggitin ang aking ngalan!"- nanggagalaiti niyang putol sa pagsasalita ng binata.

Bumakat sa mukha ng lalake ang gulat. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagsigaw nito.

"Kailangan mo akong pakinggan, susannah. Hindi ito ang tamang oras para sumbatan mo ako."- matiim na patuloy ng kausap at muling tinuloy ang paglapit sa dalaga.

"Ayoko nang makinig sa iyong sasabihin. Sa lahat nang nangyari sa atin, wala na akong paniniwalaan pa!"- puno ng galit na sumbat ng dalaga habang unti-unting namumuo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Anong dapat kong gawin upang makinig ka sakin?"- may bahid na pagmamakaawang wika naman ng lalake at hinawakan ang kamay ng dalaga nang tuluyang makalapit ito sa kaniya.

"Bitawan mo ako!"- nagpumiglas si susannah sa kapit nito ngunit mas hinigpitan lang ng binata ang hawak nito sa kaniya.

"Susannah! Nauubusan na tayo ng oras! Maaari bang makinig ka sakin kahit sandali lamang?!"- tuluyan nang napasigaw ang lalake dahil desperado na siya sa mga oras na yun.

Natigilan sa pagpupumiglas si susannah at may masamang tingin ang pinako niya sa binata.

"Ayoko! Ayoko nang makinig sayo! Ayaw kitang makita at mas lalong ayoko nang mapalapit muli sayo!"- malakas na tinulak ni susannah ang binata dahilan para mapaatras ito.

Inis na napahilamos na lamang ang lalake habang kinakalma ang sarili.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakausap nang maayos."- determinadong saad niya at tinignan ng mariin ang dalaga.

Mas lalong nakaramdam nang inis si susannah. Pakiramdam niya'y sasabog siya sa halo-halong emosyon. Naiinis siya, nagagalit, nasasaktan at higit sa lahat, nanghihinayang siya.

Nanghihinayang siya dahil nagkamali siya ng taong minahal. Dahil sa lahat ng taong maaari niyang mahalin, ang tao pang ito na siyang nang traydor sa kaniya.

"Napaka-kapal naman ng iyong mukha upang sabihin yan sakin. Sa lahat ng ginawa niyo sa aking pamilya, sa tingin mo'y makikinig ako sayo?"- galit na singhal ng dalaga habang nanggagalaiti sa halo-halong emosyong nararamdaman.

"Susannah-"

"Sa susunod na babanggitin mo ang aking ngalan ay itatarak ko na sayo ito!"- banta ng dalaga at may nilabas na kutsilyong matagal na niyang tinatago.

The PianistWhere stories live. Discover now