Chapter 32

5.5K 146 1
                                    

Si kuya Roice at Kuya Ross ang kasama ko ngayon sa sasakyan .Si mommy naman sa kabilang sasakyan sila dahil may kasamang bodyguards si Daddy.

"Nakakahiya talaga pag tayo pa ang namamanhikan"-simangot na sabi ni kuya Ross.

"Swerte ng putang inang Monterio na iyon,akalain mo tayo pa talaga pupunta sa kanila!"-ayaw talaga paawat ni kuya Ross pero si kuya Roice naman tahimik lamang.

Pinikit ko na lang ang mata ko dahil naririndi talaga ako sa bunganga ni kuya Ross at nakaramdam din ako ng antok.

Dahil pahapon na rin kami umalis ng Manila ,madaling araw na kami nakarating sa Mindoro.Nag hanap na lang kami ng hotel para makapagpahinga.

Oo nga pala napawalang bisa ang kaso agad ni Don Alfredo dahil na rin ako mismo tumulong na pinalabas kung inosente ito,at si Fajardo talaga ang puno't dulo.Of course ginamitan ko ng connection ko sa taas ,binayaran ko ng malaki.Walang nakakaalam na ako ang nasa likod ng paglaya kay Don Alfredo.Ayoko ko masaktan si Lance at si Tita Tiffany na mommy nito.

Bandang alas diyes ng umaga tumungo na kami sa Hacienda.Nagtataka ang mga tao sa Hacienda dahil may Tatlong sasakyan tumigil.

Una bumaba si Daddy at si Mommy at mga bodyguards.Nakatulala ang lahat ,sino ba naman ang hindi magulat at matulala eh ang kilalang Senador ay nasa Hacienda.

Sumunod bumaba kami nila kuya.Makikita ko sa mga mukha ng mga dalaga dito sa Hacienda ang pag hanga sa dalawa kong kuya.

Ako na ang unang lumapit kay aling Rhea na bilang mayordoma dahil siya na ang pumalit kay Nanay Lory dito.

"Magandang Umaga po"-nakangiti na bati ko dito.

"Aling Rhea,Ang mommy ko at Daddy ko po"-nakangiting pakilala ko sa kanila.

"Diyos ko,anak ka pala ng Senador"-hindi makapaniwalang sabi ni Aling Rhea. Binati sila ng mga kuya ko din at Syempre ang kagalang galang na daddy ko.

Nakita kong Lumabas si Tita Tiffany at Don Alfredo.

"Annie?!"-gulat na sabi ni Tita.

"Tiffany?!-sabi naman ni Mommy.

"Oh my Ghad ,Ann bakit hindi mo sinabi na si Annie pala ang Mommy mo"-nagtatampong saad ni tita.

Masayang nagpakilala ang Daddy kay Don Alfredo.

Nagtataka ako bakit parang walang nangyari ,bakit hindi galit si tita Tiffany sa nangyaring pagbaril ko kay Don Alfredo.

Nakita ko si Don Alfredo na nakatingin sa akin na parang ang Lungkot nito.

"Hali kayo,pumasok kayo sa loob "-yaya ni Tita.

"Tita nasaan po si Lance?-tanong ko dito.

"Huh?Umalis si Lance nakaraang Linggo pa,pumunta sila ni Melanie sa US"-nalilitong sabi ni Tita.

Nagulat ako.

Hindi ako sumama sa loob,nanatili akong nakatayo.

"Ann-"tawag sa akin ni Don Alfredo na hindi rin pala nakapasok sa loob.

Humarap ako dito.

"Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng nangyari"-naluluhang sabi nito.

"Alam ko ikaw ang nasa likod lahat na ito kung bakit napawalang bisa ang kaso ko at malinis na ulit ang pangalan ko"-

"Galit na Galit ang anak ko si Lance dahil muntik na kita mapatay"-

"Hanggang ngayon hindi niya ako iniimikan at Hindi ko rin ito masisisi dahil mahal ka ng anak ko"-iyak na sabi nito.

"Napatawad na po kita, Hindi po ako pinalaki ng Mommy at Daddy ko na magkaroon ng galit sa puso ko "-nakangiting sabi ko dito at bigla niya akong niyakap.

"Maraming salamat Hija?-

Ngumiti lang ako dito pero  ang puso ko ay parang dinudurog naman dahil kung Mahal ako ni Lance hindi niya ako iiwan.Sa halip kasama pa nito si Melanie.

"Don Alfredo alis muna po ako, pupunta lang po ako sa Talon"-malungkot na sabi ko dito.

The Senator's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon