Chapter 23

4.9K 164 9
                                    

Tamang tama na alas Onse umalis kami.Kanya kanya kaming sakay ng kabayo.

Hindi kami masyado lumapit sa Mansion baka may makakita sa amin.Sinunod namin ang plano ni Jenny na iikot kami sa likuran at medyo magubat ito.

Tama nga ang hinala namin may nakabantay sa likuran .

"Ang lapad ng taniman ng Marijuana"-saad ni Jenny.

MAy maliit na kubo kung saan pahingahan ito ng mga Armadong tauhan nila Don Alfredo.Nagtinginan kaming tatlo,kailangan na naming umalis dahil hindi kami puwedi sumugod ngayong gabi baka mabulyaso , tuso pa naman si Fajardo.

Pagdating sa bahay ni Nanay Lory nagpaalam na rin ang dalawa na doon muna matutulog sa bayan kung saan doon ang bahay ni Bea.

Hindi kami masyado nakapag usap ni Lance dahil sobrang busy nito ,bukas puntahan ko siya sa Mansion.

Kinabukasan maaga ako gumising para puntahan ko si Lance.kinuha ko ang kabayo sa kuwadra at sumakay na agad dito. Ang malas ng umaga ko dahil si Fajardo agad nakita ko na kausap si Don Alfredo.

"Magandang Umaga po"-bati ko Dito

Bastos talaga ang matandang ito inismiran lang ako nito.

"Wala dito ang Anak ko ,kasama niya si Melanie lumuwas ng Manila at may asikasuhin lang sila sa kasal nila at ikaw tigilan mo na ang anak ko!"sabi nito na sobrang talim ng tingin sa akin.

Medyo nagulat ako,pero hindi ako naniniwala hangga't hindi mismo si Lance ang magsasabi.Baka sabi sabi lang ito ni Don Alfredo dahil ayaw niya sa akin.

Dahil sa kapilyahan ko din sinagot ko ito .

"Handa pa rin po ako maging kabit , sobrang mahal ko lang po ang anak ninyo"sabi ko dito na ikinanganga nilang dalawa.

Gusto ko humalakhak ng malakas dahil sa naging reaction nilang dalawa pero seyempre pinigilan ko baka sabihin sobrang bastos ko naman pagganun.

"Wala kang modo palibhasa hindi ka nakapag aral ,hindi na ako magtataka dahil ganyan naman ang mga mahihirap"-dagdag ni Don Alfredo na talagang galit na sa akin.

Nginitian ko ito.

"Subukan mo lang gulohin ang pagsasama nila Lance at Ng aking Unica Hija,baka pati nanay at tatay mo sa hukay kayo magkikita"-saad ni Fajardo dito.

Pero imbis na matakot nginisihan ko ito.Nag sign language ako na binabaril ko sila.Nakita ko na nagulat sila sa naging reaction ko.

"Alam mo ba ang sikat na Linya ni FPJ?Isang bala ka lang"-saad ko dito na may nakakalokong ngiti.

Umigting ang panga ng dalawang matanda.

"Hindi mo ako kilala babae"-galit at sobrang diin na sabi ni Fajardo.

"Kilalang kilala kita Fajardo at pati ka na rin Don Alfredo,pero ako kilala niyo ba?"-paos na boses ko at may nakakalokong ngiti.

"Huwag lang kayo na magkamali na saktan o may gawin kayong masama sa Nanay Lory ko at kay Tatay Jun,may kasabihan na kapag buhay ang kinuha ,buhay rin ang kapalit"-saad ko dito na medyo namutla na ang dalawa.

"Sino ka?!"tanong ni Fajardo.

Nginitian ko lang ito .

"Jowa ni Lance Monterio"-sagot ko dito na lalo itong nagalit.

Sumampa na ako sa kabayo, pero bago ako umalis nagpaalam muna ako para naman hindi matawag na bastos, di ba?

"Ako'y uuwi na po, pakisabi na lang sa jowa ko na galing ako dito at pag hindi niya ako pupuntahan sa bahay susunugin ko kamo ang Mansion at mga lupain ninyo,"nakangiting sabi ko kay Don Alfredo na natulala ito sa akin.

The Senator's DaughterWhere stories live. Discover now