Chapter 29

5.6K 174 2
                                    

Pagkatapos namin mag report nagpaalam muna kami kay Hepe na pupuntahan namin sa hospital si Don Alfredo.kasa kasama ko pa din sila Bea at Jenny.

"Takot na takot si Fajardo sa iyo Jenny"-natatawang sabi ni Bea.

"Ilang beses ko na binantaan na huhulihin ko siya at alam niya rin na Underground Assassin's ako"-saad ni Jenny na tumatawa din.

Hindi na ako nagsasalita at medyo napansin din nilang dalawa na kanina pa ako wala sa mood.Pinark ko muna ang kotse sa hospital garage at bumaba na.

"Ann, dito muna kami sa labas kakain lang kami,susunod na lang kami sa loob"-saad ni Jenny na tinanguan ko lamang.

Pumunta ako sa front desk at nagtanong kung nasaan ang kuwarto ni Don Alfredo.

Sinabi ng nurse na nasa Emergency room pa rin ito.

Pumunta ako kung saan ang emergency station.

Fuck!nagulat ako dahil sa di kalayuan kung saan nakatayo na naghihintay sa labas ng emergency room si Lance,nandoon ang kuya Roice ko at si Jamie Vicente.Akala ko sa ibang bansa si kuya Roice.

Si Melanie naman nakahawak sa braso ng boyfriend ko na ikinainit ng ulo ko.Wala akong pakialam na malaman na ni Kuya Roice tungkol sa akin.

Lumapit ako dito.

Nakita ko na nakanganga si Jamie.Kilala ko si Jamie dahil lagi iyan napunta sa bahay namin.

Nakita ako ni kuya Roice pero hindi ko ito nakita ang pagkagulat sa mukha niya na nakasuot ako ng military uniform.

"Ano na naman ang ginawa mo?!"-galit na sabi ni kuya.

"Wala akong ginawa,sumunod lang ako sa batas "-diin na sabi ko dito.

"Alam na namin ni Ross na isa kang Military Ann,hindi lang namin sinabi kay Mommy at Daddy dahil ayaw namin pangunahan ka,pero nasobra naman ang ginawa mo,binaril mo pa ang Tatay ni Lance!"-galit na sabi ni kuya,So alam na pala ni Lance na kapatid ko si kuya Roice.

"Kung hindi ko siya naunahan ako naman ang binaril niya"-dahilan ko dito.

"Pero madaan naman sa maayos na  paraan ang paghuli kina Daddy at Tito Alfredo,dinaan ninyo lahat sa dahas"-galit na sabi ni Melanie na hanggang ngayon nakakapit pa rin sa braso ni Lance.

Tinaasan ko ito ng  kilay.

"Shut up!huwag mo kaming turuan kung paano namin hulihin ang drug Lord at kriminal na tatay mo!-sigaw ko dito.

"So ito ba ,balak mo rin patayin si Daddy?-galit na sabi ni Lance.

"Wala akong balak patayin kahit sino sa nahuli namin!bakit ang hirap ipaliwanag sa inyo na self Defense lang ang ginawa ko"-nanginginig na ang boses ko sa galit.

Kinuha ko ang baril sa tagiliran ko at binigay kay Lance.

"Shoot me,para patas na tayo sa pag baril ko sa Daddy mo"-utos ko dito.

Nagulat ito sa sinabi ko.

"Ann!"-galit na tawag sa akin ni kuya.

Galit ako tiningnan ni Lance.

"Hindi ninyo alam kung anong hirap na pinagdaanan ko bago ko marating ang pagiging isang Captain sa Military kaya wala kayong karapatan na husgahan ako kung anong trabaho na mayroon ako"-diin na sabi ko dito.

"Ayaw mo Lance barilin ako?O gusto mo ako na ang babaril sa sarili ko"-sabay tutok ko ang baril sa sentido ko.

Napasinghap pati ang dumadaan at nagpanick si Kuya Roice,nakita ko rin na natakot si Lance at Hindi alam ang gagawin.

"Ann,baby please put down your gun "-pakiuasap ni kuya.

Of course hindi ko naman talaga tutuluyan ang sarili ko noh!e di ngiting tagumpay naman itong si Melanie pag patay na ako kase makukuha na niya ang boyfriend ko.

"Walton!"-sigaw ni Jenny dali daling inagaw ang baril sa akin.

"Kami na ang bahala kay Walton"sabi ni Bea na hinawakan na ang kamay ko.

" E report niyo mamaya ang kondisyon ni Don Alfredo kay hepe"-utos ni Jenny sa mga pulis na nakabantay sa labas ng emergency room.

Bago kami umalis ,humarap muna ako kay Melanie..

"Tanggalin mo ang iyong kamay  sa braso ng boyfriend ko kung ayaw mo paglamayan ng pamilya mo ngayon"-sabi ko dito na ikinamutla nito at dali daling tinanggal ang kamay.




The Senator's DaughterWhere stories live. Discover now