Chapter 31

5.4K 161 5
                                    

Fuck!Mag -iisang linggo na ako dito sa Manila pero hindi talaga nagpaparamdam si Lance sa akin.

Alam ko buntis ako,of course nag aral din ako ng Nurse.Tang-ina lang dakilang single Mom pagnagkataon.

Bumaba na ako para kumain ng almusal,nadatnan ko sila Dad at Mom nagsusubuan, napangibit ako.Si kuya Roice panay pindot nito ng kanyang cellphone at si Kuya Ross naman nag babasa ng Magazine.

"Good morning people"-saad ko na lumingon pa talaga silang lahat.

Tinaasan lang ako ng kilay ni kuya Roice,inirapan ko lang ito dahil hindi pa kami bati noh!

"Mom,Dad may sasabihin ako"-sabi ko na nakangiti.

"Buntis po ako"-sabi ko sa kanila na parang baliwala lang sa akin.

Nang tiningnan ko sila ayun nakanganga silang lahat.

"What the fuck!"-biglang sabi ni kuya Ross.

Nakita ko naman na nakakuyom ang kamao ni kuya Roice.

"Paano ka nabuntis,at sino ang nakabuntis sa iyo?!"-tanong agad ni kuya Ross na galit na galit ito.

"Nag sex lang naman kami kuya,ayun nabuntis ako"-sabi ko na ikinanganga ni Daddy at Mommy.

"Seriously Ann!!!"-bulyaw nito sa akin na tumawa lang ako dito.

"Abnormal"-rinig kong sabi ni kuya Ross.

"Si Lance Monterio ang nakabuntis sa kanya Daddy"-saad ni kuya Roice na kay Daddy ang tingin.

"What the fuck,si Monterio?! I'll kill that fucking bastard!"-galit na naman si kuya Ross.

"Kuya nga ,mahal ko iyon wag mo patayin dahil babarilin talaga kita"-nakasimangot na sabi ko dito.

"Saan matatagpuan si Lance Monterio?!agad na sabi ni Daddy na galit na galit na ito.

"Sa Mindoro Dad"-tipid na sagot ni kuya Roice.

"Dad wag na po ,okay lang kahit Walang daddy ang baby ko"malungkot na sabi ko dito.

Alam ko galit pa si Lance sa akin.Dahil kung hindi eh di sana sinundan niya ako pero wala talaga baka nga inahas na sa akin ni Melanie.Ay mali!Ako pala ang nang ahas.

"Pupunta tayo ng Mindoro , Kailangan mapanagutan ka ng Lance na iyon"-seryosong sabi ni Daddy.

"Daddy nakakahiya parang ang labas niyan eh tayo pa ang namamanhikan"-irap na sabi ni kuya Ross.

"Wala naman masama doon"-napairap tuloy si Daddy kay kuya.

"Grabe naman kayo Daddy,bakit si Mommy ba naunang namanhikan noon sa inyo?-banat pa ni kuya Ross.

"Oo"-simpleng sagot ni Daddy na ikinasimangot ni Mommy at hinampas pa ito sa braso si Daddy.

Natatawa lang ako sa reaction ni Mommy.

"Gumayak na kayo at mamaya na ang alis natin papuntang Mindoro"-mauturidad na utos ng Daddy.

The Senator's DaughterWhere stories live. Discover now