Chapter 10

5.3K 172 9
                                    

PAgdating ko sa Mansion naabutan ko sila na kumakain.

"Naku na bata ka,saan ka ba galing?"sermon ni Nanay sa akin.

"Sa likod lang po".mahinang sabi ko dito.

"Halika na dito,kumain kana"binigyan ako ni Nanay ng plato at kutsara't tinidor.Nagsandok na ako ng pangkain.

Masaya ang lahat na kumakain ,panay  naman ang joke ni Nery,kaya lagi tawanan ang mga ito.Sa kalagitnaan ng tawanan biglang pumasok sa kusina si Lance.

Shit! nakatingin agad ito sa akin.

"Aling Lory?"tawag niya dito .

"Ay, Senyorito Lance , magandang hapon  po"bati ni Nanay.

Tumango lamang ito ,pero ang mga mata nasa akin.

"Gusto ko lang sana sabihin sa mga bagohan dito na bawal sila pumunta sa back area"Diin na sabi nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Inirapan ko lang ito.

"Ah, sige po Senyorito ako na po bahala na pagsabihan ang mga ito"marahang pagkasabi ni Nanay Lory.

"Ah,padala na rin po ako ng Lemon Juice sa kwarto ko,kung puwedi po ang pamangkin mo na lang"maotoridad na utos nito.

Anu raw?!

Bakit ako?marami kaya kami dito.

"Ouch!Nanay parang sobrang sakit ng tiyan ko"namimilipit na pag arte ko.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Lance.

"Hatid mo ang juice ko at ayaw ko ng may dahilan ka pa"supladong sabi nito.

Napaismid na lang ako.Umalis na agad ito.

"Anak,ikaw ba galing sa likod ng Mansion?"tanong ni Nanay sa akin.

"Opo,Nay,Bakit po?"curious na tanong ko.

"Basta huwag ka pumunta doon,pinagbabawalan na lumagi sa bandang likod na Mansion"sabi ni Nanay.

Hindi na lang ako umimik.Nagtimpla ng Lemon Juice si Nanay at binigay niya ito sa akin.

"Hatid mo na ito kay Senyorito,at bumalik ka kaagad dahil uuwi na tayo maya maya"sabi sa akin.

Wala na rin ako magawa kaya kinuha ko na ito,sinabi ni nanay pag may nakita ako na frame sa pintuan kay Lance daw iyon na kwarto kasi siya lang daw may nakakabit na frame sa pinto nito.

Nakita ko na ung kwarto ni Senyorito Lance.kumatok muna ako at binuksan ito.Walang tao sa loob,pinagloloko ba ako nito.

May narinig ako na lagaslas na tubig sa Cr,baka naliligo ito.Maya maya lang  lumabas ito na nakatapi lang ng tuwalya.

"Ito na ang ju-juice mo"-nabubulol na tuloy ako.

Nakangisi nito akong tiningnan.

"Babe?"-malanding tawag nito sa akin.

Tinaasan ko ito ng kilay.

"Anong babe"-irap na sabi ko dito.

"Di ba iyon ang tawag mo sa akin kanina!"-diin na sabi nito.

"Joke ko lang iyon"-mahina na pagkasabi ko.

Tumalikod na ako at lalabas na sana ng bigla nito akong hinila.

Nanlaki ang mga mata ko nang hinalikan nito ako.Pilit nito binubuksan ang bibig ko at pinasok nito ang kanyang dila.

Nadadala ako sa halik ni Lance,gumanti ako ng halik pero bigla itong tumigil.

Napangisi itong nakatingin sa akin.

Sa galit ko tinuhod ko ito at namilipit ito sa sakit.

"Alam mo pinaka ayaw ko ay binibitin ako"-ngisi ko rin dito.

Napangnga ito sa sinabi ko , tinalikuran ko na ito at lumabas na ng kuwarto.

The Senator's DaughterWhere stories live. Discover now