Chapter 21

5.1K 143 1
                                    

Maaga ako gumising dahil balak ko mangabayo ulit.Nagpaalam ako sa dalawang matanda na mangabayo ako.

Pinuntahan ko ulit ang lupain ni Tatay Jun.Ang babaw talaga ng dahilan na atat na atat ito bilhin.Tago ang lugar na ito at medyo magubat at maliblib pero mapatag din ito,ang ganda pati ng mga pananim.

Bumaba ako sa kabayo, tiningnan ko ang lupa.Hindi na ako magtataka bakit sobrang taba ng pananim dito dahil sobrang taba din ng lupa.Kung sakali na makuha nila ang lupa hindi naman puwedi na patayuan ito ng building or factory.

Shit!Si Fajardo isa siyang drug trafficking.Alam namin na may pataniman siya ng Marijuana, dahil tuso ito hindi nakakuha ng ebidinsiya napawalang bisa ang kaso niya.

Sa likod ng bahay ni Don Alfredo pinagbabawal doon pumunta.Magubat ang lugar na iyon.Ngayon alam ko na, kailangan malaman ito ni Bea.

Sumakay na ako sa kabayo at dali daling umuwi.

Nagulat ako dahil ang aking kotse nakaparada na sa harap ng bahay.

Fu*k!What the Hell!alangan naman si Diego ang magdadala dito.Mabilis akong bumaba sa kabayo.Pati kapit bahay namin ay nakikiusyoso na rin sa bahay ni Nanay Lory.

Pumasok agad ako sa loob ng bahay.

"Bea,Jenny!?Anong ginagawa niyo dito?"-gulat na sabi ko.

"Hey , Walton!"-ngising saad ni Jenny.

Inirapan ko lang silang dalawa na panay ngisi sa akin.

"May pag-uusapan tayo"-saad ni Bea na sumeryoso na ito.

"Tara sa kwarto ko"-

Pumasok kami sa kwarto at dala dala naman ni nanay ang mga meryenda namin .

"Kung may kailangan kayo tawagin niyo lang ako"-sabi ni Nanay na nagpasalamat muna kami bago ito lumabas.

"Anong nangyari bakit nandito kayong dalawa at bakit kotse ko ginamit ninyo"-naiiritang sabi ko.

"Bullet proof kase kotse mo kaya iyon ang ginamit namin dito incase na may NPA na babarilin kami ,safe kami ni Bea"-tumatawa na sabi ni Jenny.

Napailing na lang si Bea at tumatawa na din ito.

"Ann,kaya kami pumunta dito dahil binigay na sa amin ni General ang mission sa pag huli kay Fajardo at sangkot si Don Alfredo Monterio"-seryosong sabi ni Bea.

"At ikaw ang kasama namin sa mission,Ann"-dagdag ni Jenny.

"Ano ibig niyo sabihin na sangkot si Don Alfredo?"tanong ko sa kanila.

"Meron akong tauhan dito ,siya nagbibigay ng impormasyon sa akin,matagal ko ng sinusubaybayan si Don Alfredo,may pataniman silang Marijuana"-sabi ni Jenny na kinuha niya ang laptop sa bag nito .

Tama nga hinala ko!Sa likod ng Mansion.

"Tatakbo siyang Gobernador,at sigurado sure win iyon"-ani ni Bea

"Mautak din iyong Alfredo Monterio,kumapit siya kay Fajardo na pareho lang sila mga madumi maglaro sa pulitika"-saad ni Jenny panay kulikot sa kanyang laptop.

May kinalaman kaya si Lance?Alam niya rin kaya na may tanim na Marijuana ang kanyang ama?

"Sa likod na Mansion nila,minsan na ako lumagi pero nakita ako ng anak ni Don Alfredo at pinagsabihan ako na prohibited area daw iyon"-saad ko dito.

"Madali lang tayo makapasok doon ,iikot lang tayo"-sabi ni Jenny na pinakita sa amin ang blue print.

"Kapag Sangkot ang mga Anak ni Don Alfredo ,tiklo rin sila"-saad ni Jenny.

Wait!hindi puwedi! imposible na may kinalaman si Lance kakarating niya lang galing ibang bansa.

Pero bakit alam niya na bawal pumunta sa likod ng Mansion?!

Hindi ako mapakali,ayaw ko mapahamak si Lance.

Alam ko sa sarili ko na Mahal ko na siya.

The Senator's DaughterWhere stories live. Discover now