Chapter 5;flashback

Start from the beginning
                                        

Ay ano ba yan ang cheesy.Korni mo Jake!

Biglang may nahagip ang mata ko. Argh!!!si Kaye papalapit din sa kin at mas mauuna sya kay Alexa.

Dali-dali akong tumayo para salubungin si Alexa.Naiwang mag isang nakaupo si Edmond.

"Hi babe!"medyo nilakasan ko ang bati ko kay Alexa,tipid lang ang ngiting isinukli nya halatang napipilitan.

"Nauuhaw ka ba??iginawa kita ng juice" saka iniabot ang dala nya sa kin.

"Talaga?ang sweet naman ng babe ko?!" mas lalo kong nilakasan ang pagsasalita. "Halika upo tayo?"yaya ko sa kanya.

Hindi naman sya tumanggi.Umupo kami mga isang dipa ang layo mula kay Edmond at Kaye.

Walang magawa si Kaye kaya naupo nalang sya sa tabi ng pinsan ko.

Sa mga oras na to mag-enjoy ka muna sa panunuod samin.Tuwang tuwa ako sa pagtaas baba ng kilay nya ng lingunin ko sila.Sigurado ako nagngingitngit na sya sa galit ngayon.

Sa left side ko umupo si Alexa kasi nasa right side ko sila Edmond.Ayaw na ayaw nya talaga sa pinsan ko.

Bago ko buksan ang juice bumulong ako sa kanya.

"Thanks ha?" sincere ako dun.

"Ok lang" sagot nya habang nakangiti.

Yan mas lalo syang gumaganda kapag nakangiti sya.

Magsawa kang manuod sa ka-sweetan namin ngayon Kaye.

Refreshing to,sobrang init pa naman ng panahon.

"Inumin mo na bago pa yan lumamig." utos ni nya."Ubusin mo yan ha?" lalong lumapad ang ngiti sa mga labi nya.

Wow naman cloud 9!

Inalok ko muna si Edmond pero tumanggi sya.

Dapat lang para sa kin lang to baka nga kulangin pa.Samantalang si Kaye ayun pinandilatan naman ako.Kibit balikat lang ako.

"Sorry wala akong dapat ipaliwanag sa'yo dahil nuon pa ako nakikipagkalas sa'yo ikaw lang ang kapit ng kapit sa kin. Para kang tuko"gustong gusto ko sanang sabihin sa kanya yun.

Uhaw na uhaw na ako kaya tinungga ko ang juice na binigay nya sa kin.

"what the F**k?!"

Teka bakit ganito ang lasa??Unang inom ko pa lang gusto ko nang isuka.

Huli na ng mapagtanto kong napaka anghang pala ng iniinom ko.Saka imbes na asukal mukhang asin ang ginamit nya.

Hindi ko na magawang lumurin ang iba,nakababad lang sa bibig ko kaya ramdam na ramdam ko ang magkahalong anghang at alat.

Alam kong pulang pula na ng mukha ko sa mga oras na to,at lalo akong pinagpapawisan.

"ok ka lang ba babe?"inosenteng tanong ni Alexa.

Hindi ako makapagsalita. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin magawang lumurin ang ininom kong juice. Teka juice ba talaga dapat itawag dito?

"Masarap ba Babe?Ubusin mo yan ha?"at binigyan ako nang isang nakakalokong ngiti."Mainit ba?tamang tama may dala akong panyo" agad nyang kinuha ang panyo sa bulsa ng short nya at pinunasan ang noo ko.

Sh*t!hindi na kaya ng bibig ko ang anghang!!potek ka talaga Alexa. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kanina.Wala ng cloud 9 dahil may bagyo na.

Feeling ko masisira ang tyan ko dahil sa nainom ko.Talo pa alak kong gumuhit sa lalamunan hanggang sa sikmura.

Mabuti nalang tumayo na si Kaye,at nagmartsa palayo sa amin.

Sabi ko na hindi nya kayang panuorin ang ganitong eksena.

Siraulo lang tong si Alexa gusto pa ata akong lasunin?!

Habang si Edmond nagtataka sa hitsura ko.Hindi nalang ako nagpahalata.

Dali-dali akong tumakbo patungong cr sa loob ng barangay hall.Nasa tabi lang naman kasi yun ng basketball court.

Dala ko parin ang boteng plastik na binigay ni Alexa sa kin.

Pagkatapos kung ibuga ang laman ng bibig ko agad akong nagmomog.

Hooo!!!ano bang ipinainom sa kin ng babaeng yun?

Tiningnan ko ang hawak kong bote.Mapapasigaw ka naman talaga.

Sh*t!!!puro sili ang laman,bat di ko to agad napansin?kaya pala sya natagalan dahil dito.

Ang tanga ko talaga.

Yari ka sa kin Alexa.

Itinapon ko ang binigay nya.

Next time hinding hindi na ako magrerequest ng kahit na anong pagkain o inumin sa kanya,baka kung ano na naman ang ilagay nya.

Paglabas ko sa cr wala na sya sa inupuan namin.

Tinanong ako ni Edmond kung bakit daw ako biglang tumakbo papuntang cr.

Sinabi ko nalang na tawag ng kalikasan.

Nainip daw siguro si Alexa kaya umuwi na.

Haist ang galing nya talaga,malamang sa mga oras na to nagdiriwang na sya sa ginawa nya sa kin ngayon.

A/N:

Ayayay sorry kung ngayon lang na-update. Kelangan lang ng time management ni ako. Btw thanks sa mga new followers ko,hindi ko po inaasahan na mapapansin ang account ko sa wattpad dahil hindi naman ako nag-aadvertise at nagpo-promote.

Don't forget to vote wattpaders,open din po ako sa mga comments,nakakataba po ng puso yun.

Pampagana kumbaga.^_^

Unti next chapter just keep on reading and have patience ok?

Pasensya narin po pala yan lang nakayanan ng powers ko I hope po na maenjoy nyo itong chapter na to.

once in a lifetime(on-going)Where stories live. Discover now