Chapter 5;flashback

Start from the beginning
                                        

Hindi naman sya mataray prangka lang talaga,kumbaga hindi sya fake,ini-express nya talaga yung feeling nya.

Ganun nga ba yun?

Hay sana sakin nalang talaga sya.

Grabe ang tagal naman nyang dumating matatapos na ang game namin.

Saglit lang naman kasi to.

Naalibadbaran pati ako ngayon kasi nanunuod si Kaye.-_-Kaya ko nga sya tinawagan para makita nya kami ngayon,tingnan ko lang kung hindi pa sya makipagkalas sa akin.

Totoo din naman na nandito rin si Edmond kaya sinamantala ko na ang pagkakataon.

Kumbaga pabor rin to sa ming dalwa.

After 15mins natanaw ko sya na papasok sa court.

Naka short lang sya,hindi naman gaanong maikli tama lang,hindi tulad ni Kaye palaging bitin sa tela ang suot,bumagay sa kulay ng t-shirt nya.Nakatali ang di kahabaan nyang buhok.At take note may dala dala syang boteng plastik.

Gumawa pala sya ng juice kaya sya natagalan?

Ang sweet naman ng gf ko.

Mula sa kinatatayuan nya nginitian nya ako pero alam ko namang fake yun?Ano bang klaseng gf to?

Pero sa totoo lang gusto kong magpasalamat sa effort nya ngayon.

Konting oras nalang naman matatapos narin ang game namin,praktis lang naman to talaga pero may kasama ring pustahan,next week pa kasi ang pa-liga ng SK namin.

Lalo tuloy akong nauhaw ng makita ko ang dala nya.

Syempre dahil dumating sya mas lalo akong ginanahan maglaro,at dahil dyan nanalo kami.

"Yessss!!!"sigaw ko,sympre panalo nga kami di ba,kaya heto na ang biyaya.

Team mate ko din si Edmond kaya kasama sya sa pustahan.

"Bente bente nyo?"Sita ko sa mga kalaro namin.

Napakamot sila sa ulo sabay dukot sa mga bulsa.

"Ang galing natin pinsan!" wika ni Edmond.

"Syempre naman tayo pa?" sagot habang naglalakad kami papunta sa upuan.

Basang basa ako ng pawis buti may dala akong tuwalya.

Nakakahiya naman kay Alexa amoy pawis na ako.

Teka asan na ba yun?

Hinanap ng mga mata ko kung kung nasaan si Alexa,bigla nalang kasi syang nawala sa kinatatayuan nya kanina.

Nauuhaw na kasi ako.

San na ba yung babaeng yun?

Nagpalinga linga ako.

Nakita ko sya sa left side ng ring,hawak ang bola at nagpapa shoot.

Ibang klase talaga sya.

"Alexa!!"sigaw ko sa kanya,napalingon sya sa kin. Katabi ko si Edmond kaya alam ko lalapit sya.

Kinuha nya ang dala nyang juice na ipinatong nya sandali sa bangkong malapit sa basketball ring saka naglakad papunta sa direksyon ko.

Napangiti tuloy ako sana kami nalang talaga,naiimagine ko tuloy na magka-holding hands kami,o naka-link ang hands nya sa arm ko.Yung masayang nagkukwentuhan,susunduin ko sya at ihahatid pauwi sa kanila.

once in a lifetime(on-going)Where stories live. Discover now