Chapter 30: Sem-Ender Party (Part 1)

Start from the beginning
                                    

“Sige, Miss President. I-eenjoy muna namin lahat ng booths.” Singit naman ni Stephen.

“Oo nga. Ipapakasal pa naming itong si Matt sa crush niya. Hahaha.” Pang-aasar naman ni Alexis at saka sinundot-sundot sa tagiliran si Matt.

Natawa naman ako sa itsura ni Matt dahil don. Parang sasabog na kasi ang mukha niya sa sobrang pula nito. Parang nakakakita na nga rin ako ng imaginary na usok na lumalabas sa tenga at ilong niya. Tapos bigla niyang binatukan yung dalawa pero tinawanan lang siya ng mga ito.

“Sige. Enjoy!” pagkasabi ko nun ay tinanguan lang nila ako at saka umalis. Napatingin naman ako kay Mishie.

“You okay?” I asked her. Namumutla kasi siya nang tumingin siya sa’kin. Bigla tuloy akong nag-alala.

“O-oo, Zy. Nahihiya lang akong humarap sa kanila.” She said, honestly. Sasagutin ko sana siya nang biglang sumingit si Syn sa usapan.

“You should be, Mishiena. You just killed their friend.” Syn said, emotionlessly.

Napanganga ako nang dahil sa sinabi ni Syn. Paano niya nasasabi ang mga bagay na yan kay Mishie? Akala ko ba okay na sa kanya ang lahat ng nangyari? O sinasabi niya lang yon para hindi sumama ang loob ko?

“Syn! Watch your words!” sigaw ko na may halong pagbabanta. Nahalata ko ang biglang pagbagsak ng balikat ni Mishie. Hindi siya nagsasalita at bumalik na naman sa pagkakayuko. Namumutla rin siya dahil hindi siya nakakainom ng sariwang dugo. Kailangan pa kasing kumuha kami ng mga blood bags sa malapit na ospital dito para hindi manghina. I’m already a vampire at nararamdaman ko ang nararamdaman ni Mishie. Hindi ako umiinom ng dugo na direktang galing sa ugat ng tao dahil ayokong pumatay.

But the thing about being a vampire is, the desire to kill will always run in your blood. That’s why I hate it. I hate being one. Buti na nga lang at kaya kong pigilan ang lahat ng urges na kapalit ng pagiging bampira ko pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Yes. I feel more powerful dahil hindi naman nawala ang pagiging sorceress ko kahit na vampire na ako. But I also feel horrible dahil ang race na kinamumuhian ko pa pala ang magiging tadhana ko.

“I’m just saying the truth, Zy.” Walang kaemosyon-emosyon na sabi ni Syn at saka naglakad palayo. Parang tumaas ang lahat ng balahibo ko nang dahil sa sinabi niya pati na rin sa tono ng pananalita niya. Kayang kaya niya talaga iparamdam sa ibang tao na wala siyang pakialam kung gugustuhin niya. She really has this cold personality that can make you shiver in a bad way.

“Syn!” tawag ko pa sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin. Kailangan naming mag-usap mamaya!

“Hayaan mo na, Zy. Tama naman siya.” Malungkot na sabi ni Mishie. Naaawa ako sa kanya. Akala ko talaga, okay na sila ni Syn pero hindi pa pala? Naaawa ako kay Syn dahil kung hindi naman sa’kin, hindi naman ‘to mangyayari sa kanya. Sa’kin galit si Roanna at hindi sa kanya pero nadamay siya nang dahil sa’kin.

The Heiress (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now