Chapter 23

14 12 0
                                    

Nagdrive na si Ate papuntang school. Pumunta kami sa backstage para mag retouch at sinuot ko na din yung gown ko para sa introduction.

"Lady's 3 minutes at mag sisimula na tayo" Sabi ni Sir.

"Kath ready kana?" Tanong ni Ate Claire.

"Pagsinabi ko bang hindi, hindi na ako sasali?" Sabi ko.

"Nope, sasali ka padin" Sabi niya.

"Gashhh! kinakabahan ako Ate" Sabi ko sa kanya. Hindi talaga alam basta kinakabahan ako. Feeling ko mamemental block ako mamaya. Wala si Pat dito kasama niya yung kapatid niya. Separate kasi yung competition, ewan ko ito trip ng school e. Pwede naman isahan nalang diba?

"Don't worry, kaya mo yan basta wag kalang mamental block mamaya" Sabi niya.

"Kaya nga ako kinakabahan kasi feeling ko mamemental block ako e Huhu" Sabi ko. By the way yung magiging judge namin ay yung advisor ng kabilang section, at yung advisor ng section namin.

"Gashhh Kath, just relax okay? Kaya mo yan! Fighting!" Sabi niya sabay fighting. Nag inhale, exhale naman ako.

Kaya mo yan Katherine! Fighting!

Lumabas na ako sa kwarto kung saan ako inayosan at nagbihis.

"Good afternoon, everyone today is the day na mag cocompete ang Ms. ng section Red rose at ang Ms. ng section Pink rose...." Sabi ng emcee madami pa siyang sinabi bago niya tinawag si Khole. "Everyone here is contestant no.1!" Sabi ng emcee at lumabas naman si Khole, Nag palakpakan at sigawan ang mga audience. "Introduce yourself and your saying" Sabi ng emcee.

"Hi, ladies and gentleman's, I am Khole Easton, 17 years old from Red rose, my saying is Love yourself because if you don't love yourself, you can't love someone. Thank you!" Sabi niya sabay baw at flying kiss. Naglakad na pabalik sa backstage. Nakita ako ni Khole. "Goodluck" Sabi niya in a Sarcastic way. Napangiti lang ako ng plastic.

"Now let us call contestant number 2!" -emcee. Nag palakpakan naman at sigawan ang audience. Kinakabahan naman akong lumabas. Nagmodel keme yan turo sakin e bat ba?

"Good afternoon, ladies and gentleman's, I'm Katherine Abigail Reyes, 16, from Pink rose, at naniniwala ako sa kasabihang maraming libre sa mundo, libring mangarap, libre ding maging tanga pero wag kang abusado, libre na nga Ina-araw-araw mo pa ang pagiging tanga... libre ding mag imagine.. imagine naging kayo ng crush mo.. imagine nga lang wag kang umasa and I thank you!"

Buiset din tong si Pat at Ate e sila yung nag turo sakin non hindi ko naman kasi alam sasabihin ko. Sabi ko sa kanila pwede namang Dream big? Or Time is gold? Pero Sabi nila ang old school daw, e anong tawag sa sinabi ko kanina? Super old school? Mga punyeta sila. Pero don't worry hindi naman talaga yun ang sasabihin ko. Eto talaga yung sinabi ko.

"Hi and good afternoon everyone, I'm Katherine Abigail Reyes, 16, from Pink rose, and I believe in the saying Love is Everything, love can be family,
your friends and your someone. Love is everywhere. And if you love someone don't lose hope and give up, na susuko ka na dahil wala ka nang oras at huli kana... because Love makes times and love takes time.. thank you!" Sabi ko sabay ngiti at lakad pabalik sa backstage, narinig ko naman ang mga audience na naghiyawan at palakpakan.

Pagkabalik ko ay sinabi ng emcee na Talent portion then Q&A tapos non ay magaannounce ng winner yung mag cocompete at mag rerepresent ng Grade 11. At natapos na yung competition at may gassss my himala ako nanalo! Hindi ko naman alam kung sino ang nanalo between Trick and Dj. Yung competition naman by grade level para sa Mr. and Ms. Ay sa Next week Wednesday daw.

++++++++

Today is the day of the pageant for Mr. and Ms. Campus pageant. Kinakabahan ako at may gashhh nagulat ako na si Dj ang kasama ko. The past days ay nag practice lang kami sa Talent namin na pagkanta at sa Q&A. Naplano namin ni Dj na Simula Pa Nung Una by Patch Quiwa, well ako talaga kasi naman Chance na to na theme song ko kasi to para samin kaya grab the chance na pumayag naman siya. Mashup talaga yung kakantahin namin. Simula pa nung una by Patch Quiwa, It's you by Ali Gatie, KLWKN by Music Hero, Happier by Ed Sheeran, at Dati by Sam Concepcion. Iba-iba kasi yung gusto namin kantahin kaya naisipan niya na Mashup nalang para lahat ng gusto namin e makakanta namin. Cold parin naman ako kay Dj hindi ko rin siya kinakausap kung hindi naman kailangan kasi naman mahirap mag move on pag nafall ka ng Grabe e hindi naman kami pwede kasi may asawa na, kami yung pinagtagpo pero hindi tinadhana. Nasa backstage na kami at nag aayos si Ate Claire ang nag aayos sakin si Khole naman ang nagaayos kay Dj andito rin si Maxi, Pat, at Nikolai. Si Trick naman kasama ang tropa niya kasi mag peperform sila ng Banda niya. Contestant number 5 kami ni Dj. Kinakabahan ako gashhh....

Simula Pa Nung UnaWhere stories live. Discover now