Chapter 2

65 56 25
                                    

Kath's POV

May 5, 2014
Sunday

"Mamsh, Paps" Tawag ko sa kanila habang pababa ako sa hagdan.

"Yes sweetie?/ Bakit anak?" Sagot nila sabay tigil ng ginagawa nila at humarap sakin, naglalakad ako palapit kay Papshie. Si Papshie kasi nagbabasa ng news paper habang sumisimsim ng kape niya, si Mamshie naman nagluluto sa kusina.

"Pwede po ba ako pumunta sa Café?" Tanong ko sa kanila. Alam naman nila kung saang Café ako pumunta kaya hindi sila Nag aalala.

"Ano naman gagawin mo don?" Tanong ni Mamshie habang hinahalo ang niluluto niya, base sa Amoy ng kanyang niluluto ispaghette ang kanyang niluluto.

"bibili po ng pizza at lasagña... Eme" Sabi ko sabay tawa, lumingon si Mamshie sakin kaya nagpeace sign. "Kakain po syempre saka makikipagchikahan na rin kay Ate cuz" sabi ko sabay ngiti at nagthumbs up.

"Oo nga naman hon" Sabi ni Papshie sabay tawa at nag apir kami.

"ewan ko sa inyo pinigtutulongan niyo nanaman ako" Sabi ni Mamshie na nag tatampo na tono ni Mamshie, pinatay ni Mamshie ang kanyang niluluto at lumapit sakin. "nga pala bumili kana din sa national book store ng mga kulang mo na school supplies" ani ni Mamshie at may kinuha sa bag niya na nakapatulong sa mesa may ginawa kasi siya kanina, tumango nalang ako. "Ito yung listahan ng mga kailangan mo, yung mga naka check ibig sabihin nabili kona yung hindi naka check ibig sabihin yun ang kailangan mo pangbilhin gets?"

"Yes naman of course, Mamshie" Sabi ko sabay kuha ng listahan. Umakyat na ako at nilagay sa bag ko yung listahan saka naligo at nagbihis.

Nag suot ako ng black vans croptop, high waist jeans, gold necklace, black old skool vans shoes at black small hand bag.

Kinuha kona yung wallet, cellphone, listahan at yung bag ko. Bumaba na ako at nakita ko si Maxi, Max at Ate Claire sa living room na nanood ng tv. Ewan ko kung nasaan sila Mamshie at Papshie.

"San gala natin?" Tanong ni Ate Claire sabay smirk.

"Sa Bar ako pupunta Ate, party party ganorn.... charot sa Café po ni Ate cuz" Sagot ko sa kanya.

"Weh? Baka sa bar talaga? Bawal ka don Katherine. Saan mo natutunan yan hala ka susumbong kita" sabi ni Ate Claire na nangaasar dahil sa sinabi ko, tas ginalaw ng harap at paatras ng kanyang hintuturo.

"Ate may ka date ka no? Yieee" panunukso ni Maxi na nakangiti pa.

"Sana nga meron kaso wala e" Malungkot na sabi ko na nakayuko.

"Tss, hindi pwede mag kaboyfriend si Ate" Sabat ni Max habang tinitignan ako ng masama.

"Wews bitter yan? Saka sabi date hindi boyfriend" sabi ko dalawang nakataas ang dalawang kilay na nakanguso.

"Oo nga hindi pwede" pag sang ayon ni Ate. "Dapat ako muna, uunahan mo pa ako e" dagdag pa ni Ate.

"Anong narinig kong may boyfriend?! Sino ang May Boyfriend?" Galit na Sabi ni Papshie pero pabiro.

"Si Ate Claire po!"

"Ate Claire!"

"It's Ate Kath"

"Si Katherine po Papshie"

Pagtuturuan naming apat.

"Walang mag boboyfriend Okay?" Sabi ni Papshie.

"Yes Papshie" sabay na sabi namin nina Ate at Maxi.

Simula Pa Nung UnaWhere stories live. Discover now