Chapter 6

37 36 15
                                    

Simula non naging friends na kami pero minsan nalang siya sumasama samin ni Pat may friends din naman kasi siya na iba yung mga kasama niya sa basketball team nila.

"Hoy Bes! Okay ka lang?" Sabi rinig kong sabi Pat "Earth to Kath" Sabi niya pa.

Bumalik naman ako sa reyalidad pagkatapos ko mag Flashback.

"Ha?" Sabi ko nalang.

"Ha? Hakdog" Sabi niya inirapan ko nalang siya. "Tulala ka ata Okay ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman okay lang ako no" Sabi ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin alam niya kasi na may naisip ako bigla. "Ah ano kasi na alala ko lang yung unang kita namin ni James" sabi ko.

"Yieeee siya parin?" Panunukso niya sakin. Naramdaman kong naginit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"ewan ko sayo" Sabi ko sa kanya sang irap. "Tara na nga" sabi ko sabay hila sa kanya papuntang Classroom.

"Yieee siya pa nga" Panunukso niya ulit, sinamaan ko lang siya ng tingin. "Oh Chill ito na titigil na" Sabi niya at nag lakad na kami papuntang classroom.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Siya pa nga ba? Kasi kahit ako hindi ko alam. kasi naman unang kita palang namin ang gaan agad ng loob ko sa kanya, yung tipong parang matagal na kaming magkakilala.

Classroom

Pumasok na kami ni Pat sa classroom habang nag kwkwentohan padin. Nakita ko may kausap si James, hindi ako familiar sa mukha baka new student.

Napalingon si James at Nag tama ang tingin namin umiwas naman agad ako "Oy Kath, Pat" Tawag ni James samin.

"Oy!" Sabi ni Pat.

"James" Sabi ko sabay awkward smile. Kinausap niya ang lalaki at Lumapit si James samin at inakbayan niya kami ni Pat tapos nasa gitna siya namin.

"Tabi tayong tatlo" Sabi ni Pat at ngumiti. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige" Sabi naman ni James at tumingin sakin. Nginitian ko lang din siya.

Naglakad na kami sa upuan sa likod our usual spot. Nilagay na namin ang bag namin sa gilid ng upuan at nag kwentohan ulit pero tatlo na kami.

~RRRIIIINNNGGGG~

Umayos na kami kasi dumating na ang teacher namin.

"Good morning Ma'am Mae" Bati namin sabay tayu sa upuan.

"Good morning class, you may now take your seat" sabi ni Ma'am. "So we have a new student here, please come here in front and introduce yourself" Sabi ni Ma'am. Napatingin naman ako sa lalaki natumayo. Nagtilian naman ang mga babae. Siya yata yung kausap ni James kanina.

"James" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya.

"Hmm?"

"Diba siya yung kausap mo kanina?" Tanong ko sa kanya.

"Ah Oo, New student kasi siya so I talked to him para may kaibigan siya" Sabi niya at ngumiti. Tumango naman ako. Friendly niya kaya ko siya na gustohan e jokejoke.

"Ah okay" Sabi ko nalang at tumingin na ulit sa lalaki.

"Good morning, I'm Nikolai Matrix Arellano, my hobbies are Playing basketball, swimming, and playing some instruments" Sabi niya pero naka poker face parin.

"Thank you Mr. Arellano, you may take your seat" sabi ni Ma'am. Nag lakad naman siya papunta sa upuan niya. Sa harap siya ni James naka upo.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

~RRRIIIINNNGGGG~

Recess time yessss!!!!

"Class dismiss" Sabi ni Ma'am.

"Thank you and goodbye Ma'am" sabi namin sabay tayu. Tumango naman si Ma'am at umalis na. Niligpit ko naman ang mga gamit ko.

"Bes tara canteen" Sabi ni Pat. Ang bilis naman nito mag ligpit, hula ko dinaanan ng buhawi ang bag niyan.

"Oo sandali" Sabi ko.

"Pat pwede kami susama sainyo ni Kath? Pati nadin si Niko" Tanong ni James.

"Oo naman, sabi nga nila the more, the merrier" tumatawang sabi ni Pat.

"Kath pwede?" Nakangiting Tanong ni James sakin.

Napaisip naman ako. Lumapit naman si Pat sakin at siniko ako. "Pumayag kana" bulong niya sakin. Napalingon naman ako kila James. "Sige na minsan lang naman sumasama si James satin" bulong ulit ni Pat.

"Sure" Sabi ko at ngumiti. Kinuha ko na ang wallet ko.

"Nice" Sabi lang ni James tinignan ko naman si ni Nikolai same kanina naka poker face parin. sa itsura palang halatang masungit na.

"Oh tara na" excited na sabi ni Pat. "Yieee kasama niya si crushie niya" bulong sakin ni Pat, Nag fake smile naman ako sa kanya at nag lakad na kami papuntang canteen. Nag kwentohan lang kami habang nag lalakad papuntang canteen pero hindi parin umiimik si Nikolai.

"Nikolai saang school ka dati nagaaral?" Tanong ko sa kanya. Nauunang maglakad sila Pat at James, nakasunod naman kami ni Nikolai sa kanila.

"West International." tipid na Sabi niya.

"Maganda ba sa west international?" Nagtatakang tanong ko. Hindi pa ako nakapunta don pero rinig ko maganda daw don maraming mga sosyal.

"......"

"Bakit ka nag transfer ng school?" Tanong ko ulit.

"It's none of your business" sagot niya lang. sungit naman nito pano kaya naging kaibigan ni James.

"Sungit" Sabi ko nalang at hindi na umimik.

Pagpunta namin sa canteen as usual bili, kain at kwentohan. Hindi parin umiimik si Nikolai nag sasalita lang siya kung si James ang kumausap sa kanya minsan hindi niya na nga kinakausap si James. Pagkatapos namin sa canteen pumunta na kami sa tambayan which is sa Bridge (sa dikod ng basketball court), malapit lang din yun sa canteen pero kunti lang ang tumatambay dun. Nung nag ring na ang bell bumalik na kami sa classroom at nag Simula nang maglesson si Ma'am.

- - - - - - - - - - - - -
A/N: now you know na gusto ni Kath si James.
#KaJa or #JamKath
Waaaa!!!!

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon