Chapter 4

47 38 15
                                    

May 6, 2014
Monday 6:20 am

"Katherine Abigail gising na" rinig kong sabi ni Ate Claire sabay alog sa balikat ko.

Ang gandang alarm talaga ng bunganga ni Ate magigising ka talaga, tipo pati bangkay magigising. Kumapa ako ng unan sa tabi ko at nilagay sa tinga ko.

"Katherine gising na, oyy" pang gugulo ni Ate Claire sakin.

"Tsk! Ate 5 minutes" Naantok na sabi ko.

"Gising kana first day of school na?" ani ni Ate Claire. "Hoy gising na grade 8 kana ginigising ka padin Hayyy nako" Dagdag pa ni Ate.

Bigla ako na buhayan sa narinig ko "Ate ano nga ulit sabi mo?" Tanong ko kasi hindi ako pakapaniwala sa sinabi niya.

"Ang sabi ko grade 8 kana ginigising ka padin" Ulit ni Ate.

"Hindi yung una mo pang sinabi bago yan" sabi ko.

"Ah sabi ko gumising kana kasi first day of school na" ulit ni Ate.

"Ha?!" Gulat na Sabi ko.

"Sabi ko Wag mo akong-" hindi na tuloy ang sasabihin ni Ate kasi sumulpot ako.

"Sige Ate hintayin nyo nalang ako sa baba, maliligo lang ako Ate waittt!!" Nagmamadaling sabi ko, parang galigaga naman akong tumakbo sa cr.

Shemai nakalimutan kong may pasok pala shemssss!!!

Pag tapos ko sa cr nag bihis na ako ng uniform na white blouse, 3 inches above the knee skirt na dark blue, Ribbon at student ID, nag suot din ako ng socks na hanggang tuhod tapos black school shoes.

Nagsuklay na ako at kinuha yung bag, tumbler and cellphone ko. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.

"Good morning Mamshie, Papshie, Maxi, Max at Ate" Bati ko habang nilagay ang bag ko sa couch at pumunta sa dining para maka kain na kasi late na. Kumain na pagkatapos non ay nag toothbrush na ako.

"Ate tara na, Max, Maxi ano pa hinihinay niyo?!" Sigaw ko na nagmamadaling sabi ko.

"Ate Chill ka lang 6:55 palang 8:00 pa mag ststart ang klase" natatawang sabi ni Maxi habang nag aayos ng lunch box at bag niya.

"Sabi kasi ni Ate po late na daw" sarcastic na sabi ko sabay tingin At irap kay Ate.

"Naniwala ka naman" Sabi ni Maxi sabay tawa. Si Max naman na tawa din.

Tsk! Buang na talaga mga kapatid ko. Nakakabadtrip ang sarap ng tulog ko tapos gigising ako Arghh!! Sarap manuntok -_-

"Sa susunod kasi tingin tingin din sa oras ha?" Sabi ni Ate habang kumakain padin ka sabay sila Mamshie at Papshie. Si Max naman nag aayos din ng Bag habang naka headphones.

Pano ako titingin ng oras kung nag mamadali ako? Ito talagang si Ate akala ko matalino, maganda lang pala.

"Para may oras din siya sayo." dagdag pa ni Ate. Wews ha.

"May pinaghuhugutan teh?" Tanong ko sabay irap sa kanya.

"Tama na yan nag aaway nanaman kayo" saway ni Mamshie samin.

"Hayaan mo na hon, para di nila tayo mapansin" Sabi naman ni Papshie sabay smirk habang si Mamshie na mumula.

Si Papshie talaga para-paraan din e hahaha.

"Yieee si Mamshie kinikilig" tukso namin. Sinamaan niya naman kami ng tingin.

"Tss" Max.

"Kath hindi ka mag babaon ng tanghalian mo?" Tanong ni Papshie.

"Hindi na Papshie sa school nalang ako bibili" sagot ko.

"Ito baon mo" Sabi ni Papshie sabay abot ng baon ko pati na din kila Maxi.

*knock. knock.*

Biglang may kumatok sa pinto. "Ako na magbubukas, tutal mabait ako" presenta ko at nag sarcastic smile.

*knock. knock.*

Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan, bumubgad sakin si Pat. "Oh Pat nandito kana pala pasok ka muna" Sabi ko.

"Okie donkey" Sabi ni Pat. "Good morning po Tita, Tito" bati ni Pat kila Mamshie at Papshie. "Hii Maxi, Hi Ate Claire, Wazup Max" Sabi ni Pat. Ngumiti naman si Ate, Si Max naman tinignan lang siya.

"Good morning Pattyy" Bati ni Mamshie kay Pat. Patty Tawag ni Mamshie kay Pat.

"Good morning Pat" Bati ni Papshie.

"Tita naman maka Patty, burger lang? Joke" Sabi ni Pat at tumawa.

"Hii Ate Pattt!!" Sabi naman ni Maxi tapos nag apir sila ni Pat.

"Ako? Walang Hi? O maski Good morning man lang?" Sabi ko sabay taas kilay.

"Ay nanjan ka pala Kath?" Sabi niya sabay ngiti ng nakakaasar.

"Ah Wala ako dito, konsensya ko lang tong nakikita mo" Sabi ko at inirapan siya.

Nakakainis talaga tong kaibigan ko kung kailan badtrip ako saka mang aasar.

"Galit yan?" Sabi niya sabay tawa.

"Di..... hindi ako galit" Sabi ko at kinuha ang gamit ko. "Jan na nga kayo mga badtrip kayo" sabi ko at lumapit kila Mamshie at Papshie. "Mamshie, Papshie alis na ako Bye" Sabi ko sabay halik sa pisngi nila at nag walk out.

"Hayy nako Patty inasar mo nanaman yang kaibigan ko" rinig kong sabi ni Mamshie at sa tingin ko tumatawa din siya.

Tsk! bala nga sila.

Lumabas na ako sa pinto at nag lakad sa gate. Nag lakad na ako palabas ng subdivision. Tumingin ako sa likod ko kasi kala ko na kasunod sila sakin pero wala sila.

Tsk! Aga aga binabadtrip nila ako.

Ni si Max hindi man lang sumunod sakin bwisit!

Nang makalabas na ako sa subdivision ay nag hintay na ako ng jeep at sumakay. Nang naka rating na ako sa school, kinuha ang mga gamit ko at bumaba. Nasa harap ako ngayon ng Gate ng Oxford University. Pumasok na ako at kinuha ang papel kung san naka lagay ang section ng classroom ko. Blue sky ang naka lagay, Nag lakad lakad na ako para hanapin ang classroom ko ng makita ko sa Pat na naglalakad sa unahan ko.

Shemai na unahan pa ako, malamang nag kotse sila sanaolll no! Palit nalang kaya kami tutal mas nag kakasundo sila ng mga kapatid ko tsk.

"Patricia" Sigaw ko sa pangalan niya. Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin.

"Oh Katherine your there? here?" Sabi niya na nagugulohan sa sinabi niya.

"Here" pagtatama ko sa kanya. "Boba pwede naman kasing tagalog diba pa english english kapa" Sabi ko sabay irap.

"Sorry naman pati nga pala kanina hehe" Sabi niya sabay ngiti.

"Ewan ko sayo, jan kana nga" sabi ko sabay walk out.

"Katherine Abigail Sorry na nga kasi, May pa walk out walk out kapa jan, walk out queen kana niyan? Joke" Sabi niya habang nag mamakaawa at ngumiti sa huling sinabi niya. Inirapan ko lang siya at nag tinginan kami at tumawa. Mga buang na talaga kami. Ganyan talaga kaming dalawa pag nag aaway mag sosorry ang may kasalanan, mag titinginan at tatawa edi Bati na.

"Tara na nga sabay na tayo sa classroom" Sabi ko at nag lakad na kami papuntang classroom.

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon