Chapter 27

49 12 74
                                    

Hi! I hope you'll enjoy reading this and the next four chapters. We're nearing the end and let's hope it will be a happy ever after :>

xxx

Chapter 27
Love language


Napapailing nalang ako habang pinanonood sina kuya Troy at kuya Alaric na sumasayaw. Mukhang mga nakarami na ng ininom. Our uncles and other cousins were cheering them on at pasimuno roon si Papa tapos binibigyan pa ni kuya Rocky ng glass iyong dalawa.

"Ayoko na silang tingnan," reklamo ni ate Mariane na pinsan ko at asawa ni kuya Troy. Iyong 7 years old nilang anak ay nasa bahay ni papa Richard kasama ang mga pinsan nito. Umuwi na rin sina ate Jade at kuya Limuel kasama ang mga anak nila kaya mas lalong dumami ang mga bata.

Nagtawanan kaming mga babae saka nagpaikot ulit ng inumin. Nakahiwalay kasi ng table kaming mga babae dahil magugulo ang mga tito at pinsan namin. Iyong mga nanay naman namin ang nasa taas at nagbabantay sa mga bata pero for sure ay mga may sariling mundo rin ang mga 'yon.

"To Raia and Yugo!" Sigaw bigla ni kuya Rocky at itinaas sa ere ang shot glass niya. Ginaya naman namin siya at inulit ang toast. Naghiyawan sila pagkatapos, nakita pa namin kung paanong binuhos nila sa bibig ni kuya Yugo ang Jack Daniels.

"Kamusta naman ang may boyfriend Gigi? Anong feeling na siya ang first ever boyfriend mo na pinakilala mo sa buong angkan?" Ate Monica asked as she took her shot. Ininom ko rin muna ang vodka na nasa baso ko bago sumagot.

"Feeling masaya," I giggled. "And I don't feel any regret that he was the first one I introduced to the fam. Pierce is a great guy. Sometimes, I think he's too good to be true," pagdaldal ko. Napatawa naman sa akin si ate Eliana na nasa tabi ni ate Raia at kaharap ko.

"Does he make you happy?" Ate Eliana asked.

Mabilis akong tumango ng maraming beses hanggang sa naramdaman ko ang hilo. Natawa ako habang hawak ang ulo. "Very happy... and contented. I couldn't ask for more," sagot ko.

Inasar naman nila ako kaya napatingin sa amin ang mga lalaki at nakiusyoso pero pinagsabihan lang sila nina ate Mariane.

Nang matapos ang kasiyahan ay sabay-sabay lang din kami nina Mama, Papa, at Pierce na umuwi sa bahay. Napagod yata ang mga magulang ko kaya dumiretso na agad sila sa kwarto nila nang 'di kami pinapansin ni Pierce. Napailing nalang tuloy ako.

Magka-akbay kami ni Pierce habang paakyat ng hagdan. He was somehow tipsy and he kept laughing every minute. Tapos he would tell me that he's happy with me.

Napapailing nalang ako dahil sobrang cute niya. Hindi ako masyado nagpakalasing ngayong gabi dahil may plano ako para sa amin ni Pierce bukas. I just hope na hindi siya magkaroon ng hangover.

Hinatid ko siya sa kwarto niya. Agad naman siyang humiga at yumakap ng unan. Umupo ako sa tabi niya at pilit siyang ginigising dahil nakapikit na siya. "Babe," I called but he only hummed.

Napahinga ako nang malalim at pinilit siyang gumising. Nang magmulat siya ng mga mata ay nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko at haplusin ang pisngi ko. Then, he smiled. "Pretty baby," sabi niya sa akin. Ramdam ko bigla ang pagtaas ng init sa mga pisngi ko.

Napaiwas ako ng tingin at ibinaba ang kamay ni Pierce na nakahawak sa akin. "Gosh, you're drunk, babe. You have to clean yourself first. I'll get you water," paalam ko sa kaniya. Bago niya pa maisipang pigilan ako ay mabilis na akong naglakad papalabas ng kwarto at pababa sa kitchen.

Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig saka baso at mabilis na bumalik sa kwarto niya. He was having a hard time removing his shirt. Lasing na lasing ba siya? I sighed and shut my eyes tight for a bit, trying to calm myself.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon