Chapter 02

73 15 61
                                    

Chapter 02
Too bad

It's been two weeks since our last encounter. And it's also been two weeks na super bothered ako. I tried ignoring the nagging feeling but it won't just go away. Iyong boses niya... Iyong mga tingin niya... Iyong mga kilos niya... Add the fact that ate Raia was being weird that night. I didn't want to read on it too much pero hindi ko rin naman maiwasan.

I could still remember what happened... It was still vivid in my memory na para bang kahapon lang iyon nangyari. 

When we got into the buffet restaurant a few blocks away from the boutique, agad na hinila ako ni ate Raia sa tabi niya habang katabi niya sa kabila sina Miss Eliana at Pierce. Kinunutan ko ng noo si Ate dahil hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay.

Pierce was the one who found a table good for eight people and led us to it. Inakbayan ni ate Raia ang bewang ko saka ako marahang itinulak sa upuang kaharap ng kay Pierce. Pinanlakihan ko ng mata si Ate at tatabi na sana kay George pero naunahan ako ni Madie. Nakaupo na ang lahat sa kaniya-kaniyang pwesto kaya nang makita nila akong nakatayo ay tiningnan nila ako.

"Bakit 'di ka pa nauupo, beh?" Tanong sa 'kin ni George na dalawang silya ang layo sa akin.  Nakaupo sa gilid ko si Marion na hinihintay akong maupo. Agad akong natauhan kaya naman napatikhim ako at dahan-dahang naupo sa tabi niya. 

I caught a glimpse of the guy in front of me as I got seated. Nang sulyapan ko siya, there was a ghost of a smile on his face. Nakita ko tuloy iyong dimple niya sa kanang pisngi. Ano kayang nakakatawa?

Maya-maya ay nagtayuan na ang lahat after they settled their things in their seats para kumuha ng pagkain. Hindi ako sanay kumain sa buffet dahil mahina ako sa kainan kaya naman medyo nagpahuli pa ako. Pero nagtaka ako nang makitang hindi rin pala tumayo ang kaharap ko. Kami nalang tuloy ang naiwan sa table.

Napataas ang kilay ko nang tingnan ko siya. He did the same with a small smile. There's the cute dimple again. His almond eyes were trained on me and his left eyebrow was perfectly arched, imitating me. Ang kapal ng kilay niya... Ang kinis ng mukha tapos ang ganda rin ng shape... Iyong buhok niya, medyo nakaharang sa noo niya pero may hati na parang buhok ni Song Kang sa Nevertheless.

Napababa ang tingin ko sa leeg niya. Hindi ko alam kung bakit pero napahinga ako nang maluwag nang makitang may Adam's Apple siya.

Kainis, ang gwapo lalo. Kaso taken kaya never mind I'll find someone like you nalang.

Nilabanan ko ang tukso na titigan siya at aralin ang mukha niya kaya agad akong umiwas ng tingin at nagmamadaling tumayo. Nagulat pa ako kasi tumayo rin siya at lumapit sa may pwesto ko.

"Let's go?" Nakangiting sabi niya. Wala na iyong naka-arkong kilay. Sobrang amo ng mukha. Para siyang baby. Pero nabalik ako sa ulirat. Natauhan ako bigla.

Gagong 'to. May girlfriend na tapos ginaganito ako. Harap-harapan pa! Ilang metro lang ang layo sa amin n'ong buffet table! Ako naman 'tong marupok sa gwapo na nagpapatianod. Ang tanga.

Hindi ko nalang siya pinansin at nauna nang maglakad. Kailangang iwasan ang tukso dahil hindi naman 'yan kukusang umalis.

Narinig ko pa ang mahinang tawa niya sa likod ko. And just like his speaking voice, ang velvety ng tawa niya. Para akong hinahalina.

Pero hindi pwedeng magpadala. I swiftly shook those inappropriate thoughts away.

I was just silently eating in my seat while they were busy chattering and laughing. Naka-focus lang ako kung papaano ko uubusin ang mga pagkaing nasa plato ko. Ni hindi ko rin inaangat ang tingin ko sa takot na baka magkasalubong na naman ang mga mata namin. Mabuti nang umiwas nang maaga. Sure din naman akong hindi na kami magkikita pa pagkatapos nito, maliban nalang sa mismong araw ng kasal which is a few months away from now. Matagal pa naman, may time ako para mag-reflect sa actions and thoughts ko.

Never an Ever After (Never Series #1 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon