CHAPTER 29: THE TRUTH

180 7 0
                                    


AZALEA GABRIELLE BUSTAMANTE

Mga ilang oras din kaming nag stay sa condo niya, saka hinatid niya na rin ako pauwi. Mag gagabi na kasi e.

"Thankyou" nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya, nasa tapat na kami ng bahay and nasa kotse niya parin kami.

"Goodnight" ngiti niya rin sabi.

"Goodnight" sagot ko, ilang sigundo rin kaming nagkakatitigan sa mga mata saka dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"I love you" bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Habang patagal nang patagal nahuhulog na rin ako sa kanya, I think it's about time para sabihin ko rin iyon sa kanya.

"I love you too" bigla niya akong hinila saka niyakap at hinalikan sa noo.


"I'm so happy, babi you make me happy" kumalas siya sa pagkakayakap saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"You're mine only" seryosong sabi niya saka hinalikan ako sa labi.

"Asus! Iisa ka na naman e"

Bigla naman siyang tumawa ng mahina dahil sa sinabi ko, kasi naman e nakakailang halik na sakin to ngayong araw.

"Pumasok ka na, baka madala pa kita pauwi sa condo ko" napailing na lamang ako saka lumabas na ng kotse.

Inantay ko muna siyang maka alis bago ako pumasok sa loob.


For the first time in my life, shet na inlove din!! 

Akala ko talaga mag tatandang dalaga ako e, imagine puro emperyo pinagkakaabalahan ko, ni wala nga sa isip kong mag nobyo e. Buti nalang di nasayang yung ganda ko.



Masayang pumanik ako sa taas, pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko ay biglang may nag salita sa likuran ko.

Pagkaharap ko ay bumungad sakin ang seryosong mukha ng kambal ko matching cross arm pa, ang taray.

"Where have you been? "

"Hang out? "


"With? "


"It's none of your business az, pwede ba gusto ko ng magpahinga" iritang sabi ko saka nilapag ang mga gamit ko sa coach.


"The hell aza, I'm your twin brother syempre may pake ako sayo. Kababae mong tao ganitong oras ka umuuwi? "

"My god az, hindi na ako bata. Alam ko mga ginagawa ko, alam ko kung saan ako nag pupunta. Parang hindi ka na nasanay sakin e lakwatsyera naman talaga ako" inis na singhal ko sa kanya.

What's with ba? Lately nagiging praning na siya.

"Siya ba kasama mo? " tiim bagang tanong niya, alam ko namang sino yung tinutukoy niya e.

"If I said yes? "

Bumuntong hininga naman siya saka napatampal sa noo niya.


He's a Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now