CHAPTER 21: DATE?

220 10 1
                                    

AZALEA’S POINT OF VIEW

Kararating lang namin sa mall, seryoso talaga siya sa date na sinasabi niya.

Sabi ko pa naman kanina na nag aaral ako ng mabuti, panira naman ang isang to.

“ba’t mo ba ‘to ginagawa?” inis na tanong ko sa kanya

“what?” takang tanong niya at hinawakan ulit ang kamay ko, kotang kota na talaga to sakin lintik!

“bitawan mo kamay ko, ginaganahan ka na masyado”iritang saad ko

Pinagtitinginan na kami ng mga tao rito, kasi ba naman ang ingay ingay namin habang nag lalakad

“e ano naman?” nakangising tanong niya.

Para bang may kung anong bulateng gumalaw-galaw sa tiyan ko, luh ano i2.

“stop staring alam kong gwapo ako”inismiran niya ako at nagpatuloy na sa paglalakad, hawak hawak niya parin ang kamay ko. Napabalik ako sa reyalidad ng sabihin niya iyon.

“ang kapal” bulalas ko

“laro tayo” saad niya at hinila ako papasok sa tom’s world

“may pag kachildish din pala tong mokong na to”


Halos lahat nang laro rito ay nalaro na namin, nag bump car din kami, di ko maitatangging nag enjoy akong kasama siya ngayon.

“pag ito na shoot ikikiss mo ko sa lips” nakingising sabi niya habang hawak hawak ang bola at ready ng i-shoot ito, bigla namang namula ang magkabilang pisngi ko.

“yieeee you’re blushing” panunukso niya sakin.


“hindi ah” pagtatanggi ko rito kahit alam kong halata na masyado.


“saka anong kiss? Kiss your face” dagdag ko


Umiling iling siya at biglang shinoot yung bola and ayun shoot nga, napangisi siya at dahan dahang lumapit sakin

“deal is a deal aza” nakangising saad niya habang taas baba ang dalawang kilay nito.

Di ko namalayang nakapikit na pala ako at naghihintay na ikiss niya, the fvck aza nababaliw ka na!

Maya Maya ay nakaramdam ako ng dampi ng labi sa noo ko, pagmulat ng mga mata ko’y bumungad sakin ang nakangising mokong na’to

Now I realize na

Ang pogiiiiiiiiiii niya >\\\\\\\\\\\<



“tara na, saan mo gustong kumain? Nagugutom na ako”

“sa jollibee nalang” tumango lang siya at hinawakan na ulit ang kamay ko.

Ghaaaad parang ibang Shawn yung kasama ko ngayon.



-------------
Hindi ko maiwasang mailang, kasi ba naman kumakain ako tapos siya hindi, nakatingin lang siya sakin!

“mabubusog ka ba kakatitig mo?” iritang tanong ko

“nope, gutom nga ako e” bigla naman itong bumalik sa reyalidad at umayos ng upo.

“edi kumain ka!” saad ko at kumain ulit


“are you crazy?” takang tanong niya

“what?”

“bakit mo ginawang sawsawan ng fries yang sundae mo?” kunot noong tanong niya.


Kaya naman pala panay titig sakin e


“masarap kaya, try mo” sabi ko at inabot sa kanya ang isang pirasong fries na sinawsaw ko sa sundae


Nag tatakang tinignan niya lamang ito.


“dali na subo mo na, Arte neto” sabi ko at sinubo ito sa kanya.

“masarap ba?” tumango lang siya at ngumiti, kinuha niya yung sundae niya at sinawsaw rin ang fries niya.

“sarap nga, baliw” masayang saad niya at kumain na rin.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa park

“oh” inabot niya sakin yung isang icecream saka umupo sa tabi ko

“salamat”ngumiti ako at inumpisahan ng papakin ang icecream

“nainlove ka na ba?” pagbabasag niya sa katahimikan, napatingin ako sa kanya habang siya ay nakatingin kung saan.


“hindi pa, ikaw ba?” napatingin ulit ako sa kanya, ang lalim ng iniisip niya.

“yes”

“bakit kayo nag break?”


“actually hindi kami nag break”


Napaawang ang labi ko sa sinabi niya

“she’s in heaven” bigla itong lumingon sakin, wait

is he cryin’?


Pinunasan niya naman ang luha niya at mapaklang ngumiti.

“tara na uwi na tayo” sabi niya at unang naglakad.

Bigla namang kumirot ang puso ko, nasasaktan ako!

Aym hOrt </3 (hurt)


He's a Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now