CHAPTER 26: GIRLFRIEND?

185 10 0
                                    


AZALEA GABRIELLE BUSTAMANTE

Nasa veranda ako ng kwarto ko ngayon, kakatapos lang namin mag hapunan at pumasok na agad kami sa kanya kanya naming silid.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng kwarto ko at bumukas ito, iniluwa rito ang kambal ko.

"Bakit? " takang tanong ko

"Pwede ba tayong mag usap? "

"Nag uusap na tayo ah" napailing na lamang siya at bumuntong hininga.

"Pilosopo mo talaga kahit kailan" aniya at umupo sa tabi ko

"May nararamdam ka na ba sa lalaking yon? " nag tataka naman akong tinignan ito, bakas sa mukha nito pag aaalala na ewan, halong halong emosyon ang pinapakita niya.

"The who? "


"Si Shawn Dela Vega" humarap siya sakin at tinignan ako ng seryoso.

"Hindi mo siya kilala aza, baka siya pa mismo ang papatay sayo" napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin? "

"Hangga't maaga pa layuan mo na siya, hindi mo alam kung anong magagawa niya sayo"sabi niya at tumayo



"Hindi kayo pwede sa isa't isa, dahil galit siya sayo" dagdag niya saka umalis na sa kwarto ko

Hindi ko siya maintindahan, galit si shawn sakin? E inis nga rin ako sa kanya minsan e.


Teka kamusta na kaya yung mokong na yon. Nakakamiss din pala yung kakulitan niya, huminga ako ng malalim at nag tungo na sa kama ko.



Bahala na si batman.

Nagising ako dahil sa ingay malapit sa may veranda ko, parang may umaakyat galing sa labas.

Dahan dahan akong naglakad papunta ron at nag tago sa may kurtina malapit sa veranda.

Pagka akyat na pagka-akyat niya ay marahan na pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. "Bakit gising ka pa? " dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko't humarap sakin, saka kunot noong tinignan ako.


"Sh-shawn? " gulat na tanong ko, tinignan niya lang ako ng ilang sigundo at pumasok siya sa loob saka na higa sa kama ko, dim lang yung ilaw pero kitang kita ko parin siya.

"Aba hoy anong ginagawa mo rito? " pinalo ko siya sa may bandang gilid,  imbis na sumagot siya ay hinila niya ako pahiga saka ako niyakap

Tarantadong *dug* dug* dug* dug*

Hala may sakit na ata ako sa puso.


Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon saka ito nag salita.


"I miss you, saan ka ba kasi nag pupunta nakakainis kang babae ka" sabi niya habang yakap yakap parin ako


"Bakit ba?" Inis na tanong ko at kumawala sa pagkakayakap niya, pero mas hinigpitan niya pa ang pag yakap sakin.


He's a Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now