CHAPTER 19 : REIGN & ADRIAN

233 7 0
                                    


ADRIAN PRISMA'S POV

Pag kalapit na pag-kalapit ko sa kanya ay umupo ako sa tabi niya, ni hindi man lang niya naramdaman na may tumabi sa kanya.

“isang beer pa nga kuya yung pinaka hard” utos niya sa bartender

“ano bang mga alak to parang di alak, di man lang ako natamaan kahit konti” pag rereklamo niya ngunit mahina lang

Ibibigay na sana sa kanya yung alak nang agawin ko ito, nag tataka naman yung bartender ngunit sinenyasan ko lamang ito

“hey akin yan, mag order ka ng sa’yo” inis na sabi niya sakin bakas sa boses niyang lasing na siya, naalala ko mahina pala to sa inuman.

Tinungga ko ito at tumingin sa kanya, masamang tumingin naman ito sakin.

“kung wala kang pambili mag sabi ka, hindi yung nang-aagaw ka ililibri naman kita e” inis na singhal nito sakin.

“look you’re drunk, hindi mo na kaya may pa hindi ka pa natamaang nalalaman diyan e likot mo na nga riyan sa upuan mo.” inis na sabi ko sa kanya

“and so? As if you care, sino ka ba?”

“adrian”

“alam ko”

“oh bakit mo tinatanong kung sino ako?”

“ah basta umalis ka rito, naalibadbaran ako sa pagmumukha mo” tipsy na sabi nito sakin

Hinawakan ko ang braso niya ngunit tinabig niya ito

“reign kung galit ka parin sakin please i’m sorry”

“no need to say sorry, tabi dadaan ako” umalis siya sa pagkakaupo niya at pagewang gewang na naglakad.

Ba’t ba kase sila nag iinom

Sinundan ko lamang ito hanggang sa malakas ng bar nang bigla itong huminto at Parang may kung iniisip

“omg naiwan ko si aza” tarantang sabi nito sabay talikod, nasa likod ako nito kaya nag tatakang tinignan niya ako

“sinusundan mo ba ako?” she raised her right eyebrow

“yeah, binilin ka sakin ni shawn kaya responsibilad kita”

“shawn as in yung kaibigan mong womanizer?”

Tumango lamang ako, hinawakan naman nito ang baba niya tila nag iisip ng kung anu-ano

“may puso rin pala yun” napailing na lamang ako, kung anu-ano na mga sinasabi e

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya

“umuwi na tayo” pumiglas siya at lumayo ng konti sakin

“hindi ako sasama sayo, babalik ako sa loob naiwan ko si aza”

“nakauwi na si aza hinatid na ni Shawn, sakin ka nga ibinilin e ang kulit”

“pwes uuwi nalang akong mag-isa kesa makasama ka”

Ang kulit kulit talaga, napabuntong hininga na lamang ako

He's a Womanizer [COMPLETED]Where stories live. Discover now