CHAPTER 23

250 9 2
                                    

AZALEA'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng date kuno namin ay nag pahinga muna kami saglit sa H.Q nila, wala rin kasi yung mga kaibigan niya rito and kami lang dalawa.

6:20pm na rin at konti nalang ang estudyante rito sa school, kaninang 6pm pa kasi yung uwian.

Mahigit isang oras na kaming tumambay rito sa H.Q nila at kanina pa siya hindi umiimik, ni ako man ay nahihiyang umimik.

Ewan ko I felt something strange, yeah whatever. 

"Gusto mo na bang umuwi? " tanong niya sakin, napalingon naman ako sa kanya.

"Ah o-oo uuwi na ako" utal utal na sagot ko. Tumayo naman siya at kinuha yung susi ng kotse niyang nakakabit sa gilid ng mini ref nila.

"Hatid na kita" inayos niya ang polo niya't lumabas na.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating na kami sa mansion.

Lalabas na sana ako ng kotse nang hawakan niya ang braso ko, nag tataka naman akong tumingin dito.

"About sa kanina, sa park" napahinto siya sa kanyang sasabihin at marahang napayuko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, marahan naman itong napaangat at tumingin sa mga mata ko. Tinignan ko rin siya sa mata at ngumiti.

Kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal yung pumanaw niyang girlfriend.

Anong panama ko sa patay na siyang mahal na mahal parin niya?

Tf. Aza kung ano-ano nang mga pinagsasabi mo.

"Nah, kalimutan na natin yun saka wala lang yun sakin. Btw condolence" nginitian niya rin ako, binuksan ko na ang pinto saka ako lumabas sa kotse niya.


Natigilan ako nang lumabas ito sa kotse niya at dali daling nag tungo sa kinaroroonan ko.  Nag tataka naman akobg tumingin sa kanya.

"Bakit? " takang tanong ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

>dug* dug* dug* dug<

Tngina! Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko saka feeling ko may paru-parong gumagalaw sa tiyan ko.

Luh baka bulate na 'to 😐

"I like you" biglang sabi niya at mas niyakap pa ako ng mahigpit

Sinandal ko naman yung noo ko sa may balikat niya, feel ko kasi sasabog na yung mukha ko sa sobrang pula.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, jusko.

Mga ilang minuto kaming magkayakap sa harap ng gate namin, hanggang sa kumawala na siya. Tinignan niya ako sa mga mata ko saka ginulo yung buhok ko.

"Ingat sakin" sabi niya saka ngumiti, mahina naman akong tumawa. Loko talaga.

Pagkatapos ng eksenang 'yon ay pumasok na siya sa kotse niya saka pinaharurot ito, ewan ko ba bigla nalang akong naistatwa sa kinatatayuan ko saka di makapag salita.

Gusto ko na rin ba siya?

"Ehem"

"Ay tanga! " gulat na sabi ko.

He's a Womanizer [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora