"Our pleasure, Mr. Legolant. Actually, mabuti nga at kami ang naisip niyong imbitahan eh. This is a great opportunity for us, para mas lalong makilala ang grupo namin sa loob at labas ng bansa"

"Yeah, that's quite right. Anyway, Miss Gray, hinihintay na pala kayo ni Brice sa studio. Doon na kayo dumeretso" saad niya pa kaya tumango naman ako.

Nginitian niya lang ako bago ko hinarap itong lima. "Shall we go?" tanong ko sa kanila kaya nagsitanguan naman sila.

Nagpaalam na kami kay Finral bago kami lumabas ng opisina niya.

Naglalakad na kami papunta sa studio ng bigla akong tabihan ni Zeke. Ako kasi ang nauuna sa kanilang maglakad.

"So, dito ka pala nagtatrabaho? Akala ko kila Francis ka napasok" saad niya kaya nilingon ko siya.

"Ah hindi. Ayoko do'n." simpleng saad ko kaya napatango naman siya.

"Ahm, may gagawin ka ba mamaya after ng work mo?" tanong niya uli kaya napabuntong hininga ako.

"Mayro'n. Bakit mo naman natanong?" saad ko pa.

May lakad kami mamaya ni Xavier eh. Pupuntahan kasi namin si Master. May ipapagawa yata. Hindi ko lang sure.

"Ano, gusto sana kitang yayain na kumain sa labas. Ayos lang ba 'yun sa'yo?" hays.

"Next time na lang. Medyo busy ako ngayon kaya hindi ako pwede" saad ko pa kaya bumagsak ang balikat niya.

"Ah okey, naiintindihan ko naman 'yun" natahimik na lang ako dahil naaawa ako sa kaniya. Hay naku naman.

Pumasok na lang kami sa isang malaking double-door. Pagkapasok namin ay sinalubong kami ni Sir Brice. Tama nga si Nessa, mukha siyang bola bola. Hahaha!

"Pleasure to work with you Major! I am Brice Saludes and I will be your photographer for the day" saad niya sabay shake hands doon sa lima.

"We too, Sir Brice" saad ni Kierra.

"And you must be Miss Ramses, right? The newbie" saad niya sabay beso naman sa akin na ikinagulat ko.

Eh? Close ba kami?

"Ako nga 'yun." sagot ko naman kaya napangiti siya sa akin.

"Mr. Legolant always talk about you when he's with Madam Syntia. I think he's into you" bulong niya pa kaya namula naman ako.

"Naku! Nagkakamali kayo. Imposible naman ho iyong mangyari" pagtanggi ko pa kaya binigyan niya ako ng nanunuksong ngiti.

"Alright. If you said so. C'mon, let's start this photoshoot para mabilis din matapos" saad niya sabay palakpak.

Nagsi-ayos na ang mga kasama niya doon sa studio at agad na inakay 'yung lima papunta sa dressing room. Aayusan pa kasi sila eh.

"Come here, hija. Dito ka maupo para mapanood mo ng maayos ang mga models" aya ni Sir Brice kaya sumunod naman ako sa kaniya.

Naglagay siya ng upuan sa tabi ng camera stand. Naupo naman ako doon at naghintay na lang na mag-umpisa ang photoshoot.

Ilang saglit pa ay nag-start na ang photoshoot. Isa isa lang sila noong una tapos lahat na silang lima ng sumunod.

Ang galing ni Sir Brice dahil ang ganda ng mga shots niya. Sabagay, hindi naman siya mapupunta sa magandang kumpaniyang ito kung mema lang siya na photographer eh.

"Bravo! Ang galing! That was smooth! Sana makatrabaho ko uli kayo sa susunod. Nice working with you guys!" natutuwang saad ni Sir Brice kaya pumalakpak na rin ako.

CODE X |S.C. BOOK 2| •DROPPED•Where stories live. Discover now