*********

"Pikki! Dito!" Muntik na akong magtuloy-tuloy sa garden kung hindi pa ako tinawag ni Tuchi.

Nakita ko ang tatlong bruha sa may azotea. Tumatambay.

"Hello people." bati ko sa kanila. Lumapit ako sa mesa nila.

"Bat' andito kayo sa labas?" Tiningnan ko ang wristwatch. Six o'clock na pero hindi pa rin sila naghahanda para sa party. Nakakapanipago. Dati half-day ang pagpapa-ayos nila.

"Eto kasi si Trina ayaw pumasok." sabi ni Tuchi.

"Andito daw mga alepores ng Kuya niya."sabi ni Marga. Ni hindi man lang tumingin. Busy sa kakabasa sa iPad niya.

"Alepores? As in P.A?"

"Alepores as in mga kabanda niya."-- Trina,umismid pa. 

"Nakita niyo na ba?"tanong ko.

"Hindi pa nga eh. Sayang, baka mga hotness sila."

"Hotness, matandang napapanot na malaki ang tiyan. O yan,type mo?" sikmat ni Trina kay Tuchi.

"Hindi kaya.Ang gwapo nga nila dun sa magazine na binili ko eh"

"Psh."

HAHAHAHA! Nag bangayan na yung dalawa. 

"Hindi kaya photoshoped ang picture nila!"

"Bakit? Ikaw ba ang editor?"

"Hindi!"

"Oh! Pano mo nalaman na hindi nga photoshoped?"

"Basta! Alam ko. I believe na they realy have pretty faces."

"Pretty faces... eck!

Bumaling sa akin si Trina. "At, hoy miss, bat umalis ka agad nung Monday? Tapos di ka na nagkwento kung bakit agad kang nawala."

Huh? Bat napunta sakin yung usapan?

"Oo nga. Eto namang si Marga,ayaw magkwento. Akala niyo di namin napapansin."nakalabing sabi ni Tuchi.

Napatingin ako kay Marga tapos tumingin din siya sakin. Ya know, siya lang yung may alam dun sa chapter ni Troy kasi nga, kababata ko rin siya.

Kahit ganyan yan, siya yung tipong mapagkakatiwalaan sa secrets. I'm not saying na di mapagkakatiwalaan yung dalawa. Iba lang talaga pag kay Marga. Basta!

"Ano yan ha?" nagdududan sabi ni Trina.

"Bat may bluetooth na nagaganap? Isang linggo kang wala sa sarili. " nanliliit ang mga mata ni Tuchi.

"Che! Wala yun noh." Psh.

"Ang daya! May secrets silang dalawa,ayaw mag-share." sabi ni Tuchi.

"Oo nga Chi. Parang di nila tayo kaibigan.Kung hindi ka pa kinukulit ni Terrence magiging living statue ka na."

Ganun ba talaga ako these past few days? Parang di naman. Exagerated naman masiyado ng dalang bruhang 'to.

Marga and I rolled our eyes. Nag-drama yung dalawa.

"Akala ko pa naman..sob.sob" nagkunwari pa si Tuchi na punasan ang kanyang 'tears'.

Ayan na po si drama queen! The great manipulator nga  naman. Another warning again kay Tuchi and Trina. They can be sweet outside pero nambabalat rin yan ng buhay pag may gusto. Hay.  

Drama.

"Akala ko pa naman, ohana tayo."

Nangongonsenya.

"Nobody is left behind or forgotten."

Drama.

"Akala ko pa naman..."

Drama.

Drama.

Urgh!!!!

"Psh! Oo na! Sasabihin ko na. Nakita ko kasi kanina si---"

"Mga hija!" masiglang bati sa amin ni Tita Charlotte, mom ni Trina.

hahahaha! Mga reaction nila. Saved by Tita Car.Haylabyuuuu Tita! Sinagip mo ako sa mga kamay ng The Buzz!Wohooooh!

"Hi Tita!" kumaway kami nina Marga at Tuchi

"Ok lang ba kayo diyan? Mga 8 magsta-start yung party. "

"Sige po tita, pasok nalang po kami mamaya."

"Tita,may naghahanap po sa inyo. Yung in-order niyo daw pong wine."--lahat kami napatingin dun sa nagsalita. Automatic na nag-enlarge yung mata nung dalawang bruha pati si Marga napatingin. 

Gwapo siya. Ay wait, mali hot and gorgeous siya.

Kamukha niya si... hmmm? Zayn Malik ng One direction! Tama!

"O sige hijo. Ay, by the way my daugter's friends. Tuchi, Marga and Pikki."

"Hi ladies." tapos nag-flash pa siya ng kanyang bone melting smile.

Narinig ko pa yung parang timang na buntong-hininga ni Tuchi.

"Girls, meet Eros." pagpapakilala ni Tita Charlotte.

Binati namin siya isa-isa pero parang nagzoom yung mata niya kay Marga. Hmmm. 

Nagpout si Tuchi,nakahalata yata na mas interesado si Eros kay Marga.

Pero deadma lang si Marga. Taray ng lola!

"Pasok na kaya kayo para ma-meet niyo na rin yung apat."

Lapad ulit ng ngisi ni Tuchi. 

"Ok!"simbilis ng kidlat na sabg-ayon ni Tuchi. Tapos nauna na siyang pumasok.

Sinulyapan ko si Trina. Kanina pa kasi siya tahimik. Tapos nakatingin din pala siya sakin.

*Bluetooth "Sabihin mo samin mamaya. Hihimayin ka namin,"*

Ngisi siya.

Tumango na lang ako. Patay!

Tumayo kami tapos,sumunod na sa kanila.

------------------------

end~

Labyrinth of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora