Goodbye

4 1 0
                                    

Andrea

Atlast na tapos din si groom na tumae at buti na lamang ay ipang minuto lang kamo na delay sa scedule. Kahiya talaga siya. Biruin niyo sa mismong araw pa talaga ng kasal niya na isipang ma lbm? Minsan sa sobrang katangahan ng kaibigan ko napapaisip na ako papaano to napagtyangaan.

Pero masaya na ako sa kanya. Panatag ako na aalis na okay siya at masaya na siya. Wala na akong mahihiling pa, aalis ako ng may ngiti sa mga labi ko. Alam ko na kasi na natagpuan na niya ang happy ending niya. Sino ba naman ako para pigilan pa iyon?

Their wedding song was played at kasunod nun ang pag bukas ng pintuan ng simbahan. Mula dun ay bumongad si Shawntel na napakaganda sa suot niyang wedding gown. Para siyang prinsesa at prinsepe niya naman si Silvestre.

My bestfriend is so happy. Naiiyak siyang pinagmamasdan si Shawntel habang itinatahak ang altar papunta sa kanya kasama ang daddy nito. Kita ng dalawa kong mata ang pa simple niyang pagluha habang hinihintay si Shawntel.

Pinunasan ni Silvestre ang kanyang mga luha at masayang ngumiti sa kanyang kasintahan.

"Hi baby..." bati niya sa dalaga.

"*chuckles* where getting married na baby..." sagot naman ni Shawntel sa kanya.

*cough*

"Alagaan mo ang anak ko Silvestre hijo, nag iisa ko tong prinsesa kaya huwag na huwag mo siyang sasaktan." Habilin nito sa kanya ng daddy ni Shawntel.

"Opo sir pangako po yan..." promisa nito.

Masaya silang dalawa na humarap sa altar at nangako sa isat-isa ng kanilang sumpaan sa harapan ng Diyos.

Pero bakit ganun sinabi ko naman  sa sarili ko na tama na. Na kailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Pero bakit.... bakit masakit pa din.

May ngiti ko silang pinagmamasdan kahit na dahan dahang namamatay ang puso ko.
Ano ka pa Xiah Andrea Magallanes! Hangang kilan ka masasaktan?!?!? Hangang kailan mo tatanggapin na wala namang kayo at ikaw lang tong tanga na umaasa sa wala?!?!? Masaya na sila oh ikaw na lang ang hindi.

Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na huwag umiyak. Ayokong gumawa ng eksena sa mismong araw ng kasal nila. Buti na lang nasa bandang gilid at tago ang pwesto ko at nasa kanilang dalawa ang pansin ng mga bisita kaya wala may makaka pansin sa malungkot kong ekspresyon.

Pero....

Nagulat na lamang ako ng biglang dumilim ang palibot ko. Magpapanik na sana ako ng marining ko siyang bumulong.

"Shhhhh.... Ako lng to Andrea si Eros to..." dahil sa sinabi niya ay napanatag ako. Wala ako sa panganib at si Eros lang ang nan tri-trip sa akin na takpan ang mga mata ko.

"Ano namang pakulo to boss? Bat niyo tinatakpan ang mga paningin ko?" Bulong ko sa kanya.

"Alam ko kasing mas lalo ka lang nasasaktan kapag pinatagal mo pa ang pag titig sa kanila. Alam ko na gusto mo nang mag move on pero hindi naman madaling mag move sa taong halos buong buhay mo nang hinintay at minahal."

Dahil sa mga sinabi niya ay bigla akong natahimik. Natamaan kasi ako sa mga sinabi niya. Totoo naman kasing gusto ko nang kalimuyan itong nararamdaman ko para sa bestfriend ko, pero hindi naman madaling mag move on. Hindi naman yun instant na basta basta na lang nawala ang feeling ko sa kanya overnight.

Hindi ko na tinanggal ang mga kamay niyang naka piring sa akin. Hinayaan ko na lang siya ma takpan ang pangyayaring nasa harapan ko. Habang madilim ang paningin ko ay tahimik akong umiiyak. Nababasa ko na nga ang mga kamay ni Eros pero hinayaan niya lamang ito.

the BestmanWhere stories live. Discover now