Chapter 40 : Chione Jenara Ishild-Eckhart

Magsimula sa umpisa
                                    

Hinawakan na niya ang bag nito, pati narin ang bag ko at nagsimula nang maglakad. " Let's Go " sabi nito kaya naman sumunod na ako sakanya.

Hindi ko mapigilang mapaisip, Anu kayang nangyari kay Chi? Hindi na kasi ako mapakali, Feeling ko related ako rito kaya naman ganito na lamang ako kabahan.

" Eumi? Look " napatigil naman ulit ako sa pag-iisip ulit nang magsalita si Caelum, Tumingin muna ako sakanya at nakitang may itinuturo ito napatingin ako rito.

" Ch-Chi!!!! " sigaw ko nang makita si Chi na nasa Garden of Cassiopeia, Teka bakit nandito kami? Alam kaya ni Caelum na nandito si Chi?

Napalingon naman si Chi samin, Tumakbo ako papunta sakanya at agad-agad siyang niyakap. Nagulat naman ako nang bigla niya akong itulak kaya naman muntikan na akong mawalan nang balanse buti nalang at nasa likuran ko na si Caelum. Nakita ko naman na hinawakan ni Levi ang kamay ni Chi.

" Chi? " tanong ko rito " Te-Teka, Anung nangyari sa mata mo? Bakit namamaga? Sino nagpaiyak sayo?! Si Levi ba?! " sunod-sunod na tanong ko rito, Nakita kong ngumiti nang mapait si Chi.

" Shut up Aly " nagulat ako sa isinagot nito sakin.

" Chi? " naguguluhang sabi ko rito, Kanina ko pa sinasabi ang kanyang pangalan pero bakit parang iba? At bakit niya ako tinawag na Aly? Diba Euphy ang tawag niya sakin?

" C-Chi? Anu bang nangyayari? Bakit hindi kana nagpaparamdam sakin? samin? " tanong ko sakanya pero hindi niya ako sinasagot at nakatungo lamang ito, Nakita ko kung paano hawakan ni Chi ang kamay ni Levi. Nasa gilid ko narin si Caelum ngayon at parang nagmamasid lamang samin.

" Chi!! Anu ba?! Sumagot ka naman! " sigaw ko sakanya, Bakit ba ayaw niyang magsalita?! Kinabahan ako nang tumingin ito sakin, Kinabahan ako sa malalamig na mata nito na halatang nasasaktan ang mga ito.

Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla siyang sumigaw " Tumigil kana Aly!! Dont act as if you know everything!!! " sigaw nito sakin kaya naman napa-atras ako.

" An-Ano bang sinasabi mo Chi? " kinakabahang sabi ko rito, Mas lalo akong kinabahan nang kumunot ang noo nito, Grabe siya makatingin sakin. Sobrang galit ang nakikita ko rito.

" Gusto mo talagang malaman Alyona?! " sigaw nito sabay hawak nito nang mahigpit sa kamay ko. " Gusto mong malaman?! Ha?! " sigaw nito at mas lalong sumikip ang pagkakahawak nito sakin.

" Ch-Chi " napapangiwi na ako sa sakit nang pagkakahawak niya sa kamay ko. " Gusto mong malaman?! Sige! Ako ang tunay na kapatid ni Arie!! Ako ang nawawalang anak ng kinilala mong pamilya!!!! " sigaw nito sabay bitaw nang kamay ko, Hi-Hindi ako makapagsalita. Parang may bumara sa lalamunan ko, Naramdaman ko ang pag-init nang aking mga mata, Nagbabanta nanamang mahulog ang lintek na luha ko.

" Ano?! Bakit ayaw mong magsalita?! Ha?! Nasaktan ka?! Ano?! " sigaw ni Chi sakin, Napansin kong umiiyak narin ito.

" Hi-Hindi ko alam " umiiyak na sabi ko rito, Hindi ko alam. Wala akong alam! Hindi ko na alam kung anung irereact ko rito. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa.

" Wala kang alam Aly! Buong buhay ko namuhay akong mag-isa tapos ngayon?! Ngayon malalaman ko na ako pala ang nawawalang anak ni Edmund Eckhart?! Ako pala ang dapat na naging Alyona Euphemia Eckhart?! " sigaw nito sakin, Hindi ko alam ang dapat kong sabihin, Nakaramdam ako nang iba't ibang emosyon ngayon at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sakanila.

" So-Sorry Chi " umiiyak na sabi ko rito, pero hindi ako makatingin sakanya, Naguguluhan na ako. Paano nangyari to?

" Umalis kana lang sa harapan ko Aly, Habang nakakapagtimpi pa ako. " sabi nito ramdam kong umiiyak ito pero hindi ko magawang umalis, May parte sakin na ayaw umalis, Na dapat magstay lang ako dito.

The Power Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon