Chapter 40 : Chione Jenara Ishild-Eckhart

19.8K 528 45
                                    

Alyona's POV

Tatlong araw na ang lumipas simula nang matapos ang laban namin ni Arie, At tatlong araw narin akong hindi pinapansin ni Chi, Hindi ko alam kung bakit, Wala naman akong maalalang atraso ko or nagawang masama kay Chi eh.

" Aly? " napalingon naman ako sa tumawag nang pangalan ko at nakita ang nakangiting Liden at Dani.

" Hi Liden! Hi Dani! " sabi ko naman sakanilang dalawa at nilapitan sila.

" Okay ka na ba? " tanong sakin ni Liden, Actually ngayon lang ulit ako papasok dahil nga marami rin akong natamong sugat nung naglaban kami ni Arie.

" Medyo hehe " sabi ko naman sakanila at nginitian ko na lamang para naman maging at ease sila.

" That's Good! Ilang araw naring badtrip si Master Ace eh! Sigurado ako pag nakita ka nun, Instant change of mood yun! " sabi ni Dani sakin sabay thumbs up pa.

" Ewan ko sayo, Teka! Nasaan si Levi? Bakit hindi niyo kasama? " tanong ko sakanila, Kasi naman parati silang magkakasamang tatlo eh, The Three Idiots na nga sila eh.

Napansin ko naman na umiwas lang silang dalawa nang tingin, Hay. Ganyan rin sila pag tinatanong ko si Chi, Kasi pagkatapos kong maconfine after nang laban namin ni Arie bumibisita sila Liden , Dani at Caelum. Binabantayan naman ako ni Lance-nii at Ate Caimie pag hindi sila busy. Si Ardea naman ay nasa kabilang kwarto ko nuon nagpapagaling rin ito. Pero ang malaking ipinagtaka ko eh hindi man lang ako binisita ni Chi kahit isang beses, Ang huli kong nakita siya ay nung laban.

" Ta-Tara na? " tanong ko sakanilang dalawa at nagsimula akong maglakad, Nakita ko naman na sumunod rin silang dalawa sakin.

Balita ko rin ay hindi rin pumapasok si Chi pati rin daw si Levi kaya hindi ko magawang hindi mag-alala, Anu na kayang nangyari kila Chi?

" What's with the long face? Eumi? "

" Caelum? " napatingin ako rito, Mukhang kararating lang nito. Ibinaba na nito ang dalang bag at umupo na sa katabing upuan ko.

Tumingin naman ito sakin na para bang nag-hihintay nang sagot " Nag-aalala ako kay Chi " sabi ko rito, Halatang nagulat ito pero agad din naman niyang pinalitan nang ever famous poker face.

" She's just doing something, You'll see her soon " sabi naman nito at inubob ang kanyang mukha sa lamesa.

Pumasok na ang professor namin at nagsimula naring maglecture, Pero wala akong pinakinggan ni-isa sa mga tinuturo nito dahil iniisip ko parin si Chi.

" Aly? Hindi ka pa aalis? " rinig kong sabi ni Liden kaya naman napatingin ako rito, Hindi ko pala napansin na tapos na ang lecture.

" Lalim nang iniisip mo ha? " segundo naman ni Dani, Kung alam mo lang Dani.

Umiling lang ako sakanila at nginitian sila, Tinuro ko si Caelum at parang nagets na nilang dalawa ang nais kong sabihin kaya naman tumango nalang sila at umalis narin.

Uwian na pala,Naisipan ko kasing puntahan si Chi eh. Papasama ako kay Caelum. Kailangan kong makita si Chi.

" Caelum? "

Iniangat naman ni Caelum ang kanyang ulo na halatang kagigising lang, Tumingin muna siya sa paligid, Wala na yung mga Beemates namin.

" What? " sabi nito at nag-ayos na sarili, Susme kahit naman di siya mag-ayos gwapo parin naman siya.

" Ano kasi~ Puwede mo ba kong samahan kay Chi? " napatingin ito sakin nang seryoso " What for? " sabi nito sakin.

" Kailangan ko siyang makita Caelum, Nag-aalala na ko sakanya eh! " sabi ko sakanya at tinignan siya diretso sa mata. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya parang ang lalim lalim nang iniisip nito.

The Power Within MeWhere stories live. Discover now