Chapter 34 : The Old Me

16.1K 531 28
                                    

Alyona's POV

" You're my life, Our Life, The reason of my existence and also the proof of our love "

" You're my life, Our Life, The reason of my existence and also the proof of our love "

" You're my life, Our Life, The reason of my existence and also the proof of our love "

Ang boses na yan, Boses na kanina ko pa naririnig. Ngunit wala naman akong ideya kung sino o ano ang ipinapahiwatig nito.

Nakaramdam ako ng mainit sa aking noo, kaya naman naalimpungatan ako at dahan-dahang iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Caelum na hinalikan ang aking noo O//////O

" Ca-Caelum? " namumulang sabi ko rito, Mukhang nagulat rin ito at dali-daling tumingin sakin.

" Hey " sabi lang nito at umayos na nang upo sa kanyang upuan na katabi lamang ng higaan ko. Inilibot ko ang aking mga mata at mukhang nasa Clinic pa ata ako.

" Are you okay now? Does your head still hurts? " nag-aalalang tanong nito sakin na tumititig pa sa aking mga mata.

Tumango ako rito at pinilit na maupo sa kama, Inalalayan naman ako ni Caelum at isinandal ako sa HeadBoard ng kama.

" What happened Eumi? " tanong nito at tumayo at pumunta sa maliit na lamesa dito sa room.

Ano nga bang nangyari? Ang naaalala ko lang ay bumaba ako ng umiiyak dahil sa mga kilos ni Arie na nagpapaalala nanaman sakin ng totoong nangyari. Pumunta ako sa Garden of Cassiopeia upang dun mailabas ang kinikimkim ko ngunit bigla na lamang akong nakaramdam ng sakit sa aking ulo, To the point na gusto ko itong ipaputol.

" Hi-Hindi ko alam Caelum, Bigla nalang sumakit ulo ko eh " sabi ko naman rito, Nakita ako ang bahid ng pag-aalala sa mukha nito kaya ngumiti ako rito para ipahiwatig na okay na ako.

Lumapit ito sakin na may hawak na plato at " CAKEEEEE!!!!! " sigaw ko rito ng makita ang Red Velvet Cake

" You left it earlier in ths rooftop " sabi nito sabay abot sakin ng Cake at kutsara. Teka, Naiwan? Ito ba ung binigay niya sakin kanina na hinihingi ni Arie? So hindi niya binigay kay Arie to?

" Tha-Thanks " sabi ko naman dito at nagsimula ng lantakan ang cake, waaah! Gutom much talaga ako kanina pa eh. Buti nalang at inatake ng kabaitan si Caelum.

Habang nilalantakan ko ang Cake ay umupo sa gilid ko si Caelum at tinititigan ako kaya naman kumunot ang aking noo.

" Bakit? " sabi ko dito pero umiling lang ito at nginitian lang ako kaya naman nagsimula ulit akong kumain ng cake.

" Hey Eumi, Uh. I was just wondering if " tanong nito habang nagkakamot pa ng batok kaya naman tinignan ko ito ng nakasubo pa ang kutsara sa aking bibig.

" Uh? How's your relationship between your Sister? " nagulat ako sa tanong nito kaya naman nahulog ang kutsarang subo ko at nagsimula nanaman mamugto ang aking mga mata.

" It's okay , You dont have to answer if your not comfo-- "

" Okay lang Caelum, Malalaman niyo rin naman na to sooner or later eh. Si Arie *sighs* Step Sister ko siya, Hindi kami tunay na magkapatid dahil ampon lang ako "

tinitigan lang ako nito at mukhang nag-aalala parin sakin kaya naman nginitian ko ito.

" Sa buong tanang ng buhay ko pinagmukha nila akong tanga. Naging sunod-sunuran ako sakanila, Lahat ng gawaing bahay ako gumagawa dahil buong akala ko pamilya ko sila. Nagpaalipin ako, Naging isang tanga at higit sa lahat bulag sa mga pinag-gagawa nila sakin. "

The Power Within MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon